Lumipad pabalik ng Paris, France si KC Concepcion at Piolo Pascual noong March 10, 2009 para simulan ang taping ng Lovers in Paris, isang Korean teleserye na ipinalabas rin sa ABS-CBN tatlong taon na ang lumipas. Bago lumipad paalis ng bansa ang mega daughter, pumirma na s’ya sa Star Cinema ng kontrata sa 9501 restaurant sa ABS-CBN, Quezon City.
Sikat na sikat na talaga ang pagre-remake ng mga Koreanovela ngayon. Nagsimula ito sa hit teleserye nina Kim Chiu at Gerald Anderson na My Girl. Hindi nagkamali ang management sa pagpili ng Lovers in Paris para sa bagong love team na ito. Bukod sa mataas ang ratings ng nasabing Korean teleserye n’ung ipinalabas ito sa ‘Pinas, hit na hit rin ito sa Korea. Sa katunayan, 51.8% ang pinakamataas na ratings nito sa Korea at nanalo rin ito ng Best Television Drama sa Baeksang Art Awards noong 2005. Nakakakilig isiping muli nating mapapanood ang makulit na karakter ni Vivian (KC Concepcion) at ang sobrang seryosong si Carlo (Piolo Pascual) sa Primetime Bida.
May chikang type nga raw ni Piolo ang mega daughter kaya parang inutos ng langit na pagsamahin sila sa iisang teleserye. Naku, napaka-romantic pa naman sa Paris – dito na kaya matutuloy ang panliligaw ni Piolo kay KC? Maiilang kaya ang mega daughter kung magpakita ng intensiyong makipagkaibigan si Piolo kahit na alam naman n’yang type s’ya nito? Makaapekto kaya ang espesyal na pagtingin ni Piolo sa chemistry nila? ‘Yan ang dapat natign abangan sa Lovers in Paris sa darating na Mayo!
Photos by Fernan Sucalit
by Faith Salazar