“Simple pero nakakairita,” ‘yan kung susumahin ang epekto ni Miss Helen Gamboa sa emosyon ng mga tagasubaybay ng Tayong Dalawa kung saan gumaganap siya bilang si Elizabeth na ni Agot Isidro at lola ni David Garcia Jr. o Dave portrayed by Jake Cuenca.
Kering-keri ni Miss Gamboa ang kanyang paggiging matapobreng donya na ginagawa ang lahat para lang protektahan ang dalawang taong minamahal niya. Tunay ngang isa sa mga beterana ng industriya, nakikipagsabayan siya sa pagganap sa mga de-kalibre ring aktres na sina Gina Pareño, Cherry Pie Picache at Agot Isidro.
Alam n’yo bang noong kasagsagan ng karir niya, hindi lang siya sa aktingan umaariba? Si Miss Helen Gamboa kasi ang itinuturing na Dancing Queen ng 60s dahil siya lang naman ang bida sa mga musical movies noon na Boogaloo; Shing-a-Ling-a-Loo; Bang Shang-a-Lang; Grind-Grind at siyempre, ang Mash K Pops.
First runner-up siya sa Miss Press Photography noong 1961 at ini-launch noong 1962 sa pelikulang Gorio and his Jeepney. Nasundan pa ito ng marami pang pelikula kasama ang mga sikat na leading men noong kanyang panahon tulad nina Da King at Erap.
Pero alam n’yo bang dahil sa pag-ibig, eh, medyo nabitin ang karir niya? Iba kasi yatang ma-in love ang isang Helen Gamboa. Nang makilala niya ang isang band member noon na no other than former legislator Tito Sotto himself, ayun, nakipagtanan siya. Pinili niya ang pamilya over career. Hindi naman siya nagkamali dahil kung anong tagumpay niya sa industriya, higit pa ang tagumpay niya bilang asawa at ina kina Romina, Diorella, Gian at Ciara.
Stars Candid
by Mayin de los Santos