MARAMING KABABAYAN natin sa abroad ang nagbabakasyon sa Pinas kapag buwan ng Marso at Abril hindi lamang para mag Mahal na Araw kundi para umattend ng graduation. Panahon na naman kaseng graduation sa Pinas, mahalaga itopara sa mga kababayan natin na may mgapinag-aaral sa Pinas na ma sila yanang pagtatapos ng kanilang mga minamahal sa buhay na isa sa mga bungang kanilang pagkayod sa abroad. Nagpapatunay lang kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa ating mga Pilipino. Para samga may kaya, gumagastos pa sila upang makapag-aral sa ibang bansa.
Isa ang United Kingdom sa mga paborito ngayong puntahan ng mga may kayang Pinoy o kaya ng mga masuwerteng nabigyan ng scholarship upang mag-aral. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang dalawa sa pina-kamagaling na eskwalahan sa buong mundo ay nasa UK, ang Oxford at Cambridge University. Nariyan rin ang Imperial College sa London. Sikat rin ang London sa mga local celebrities natin. Hindi ba’t idinahilan ni Angel Locsin ang pag-aaral sa London kaya daw siya umalis sa GMA 7 pero yun pala ay lilipat lang siya sa ABS-CBN. Kumuha si Angel ng short course on Fashion Design sa prestiyosong eskwelahan na Central St. Martins College. Very popular ang St. Martins sa buong mundo pagdating sa pag-aaral ng fashion. Dito rin nag-aralang fashion designer at milliner nasi Mich Dulce na unang nakilala nang naging housemate siya sa reality show na Pinoy Big Brother. Naging matunog ang pangalan ni Mich nang ma feature ang kanyang millenary sa American show na Gossip girls at isunuot ng isa sa mga bidang si Leighton Meester at muling na feature sa pilot episode ng The Carrie Diaries. Kumuha rin ng kaparehong kurso si Meryll Soriano sa St. Martins natalaga namang tinustusan ng comedian/host nasi Willie Revillame. Alam naman natin di biro ang gastusin sa London. Samantalang si Jocas De Leon, anak ng another comedian/TV host nasi Joey De Leon ay may Masters degree sa Luxury Brand Management sa European Business School London. Nakakuha rin ng certificate in International Political Economy si Ruffa Gutierrez sa Kings College na isang summer degree. Ang pinaka recent na celebrity na nasa Inglatera ngayon ay ang TV host nasi Bianca Gonzales nabalitang mag-aaral ng Journalism course sa London.
No doubt, London na ngayon ang sikat na destination para sa mga taga Showbiz para mapaglawig ang kanilang Educational background. Sa bagong teleseryeng ABSCBN na Ikaw lama ng na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Coco Martin at Jake Cuenca ay bahaging script ang pagpunta ni Kim at Jake sa London upang mag-aral. Kapwa galing sa aristokratang pamilya ang karakter ng dalawa sa teleserye. Nagpapatunay lamang na importante ang edukasyon para sa ating mga Pilipino. Hindi na baling igapang sa hirap, mapagtapos lamang ang mga anak. Sabi nga ito ang the best na maipapamana.
“You can never be overdressed or overeducated”- Oscar Wilde
copyright: Street Savvy
By Joy Mesina