Starstruck graduate Princess Snell, may scandal?!

SOBRANG LAKI NG respeto at tiwala namin kay Ms. Mel Tiangco kaya ipinaglaban namin siya ng brasuhan sa mga deans ng leading universities sa Metro Manila in our capacity as the event’s chairman nu’ng naging recipient siya ng Best Female News Presenter some years back from Comguild Center for Journalism.

As a member of the Philippine Movie Press Club (PMPC), lagi rin naming binabanggit sa aking co-members ang kagalingan ni Ms. Mel sa pagpi-present ng news kapag season ng Star Awards for TV at napag-uusapan ang kategoriya kung saan siya kasali.

Si Ms. Mel ang aming idol among our female broadcasters in TV kaya very disappointed kami sa balitang iprinisinta ng beteranang broadcast journalist sa 24 Oras last June 10, kung saan binanggit niya na ang inyong lingkod ay haharap sa patung-patong na kaso (kasama na ang grave scandal, unjust vexation and resistance and disobedience), hindi raw kami nagtrabaho sa GMA-7, nakatakas daw ang aming kasama at fake daw ang ID ng GMA-7 na dala namin sa aming pouch.

Sabi ng GMA-7, balanse at puro katotohanan ang kanilang balita pero sa partikular news na ibinalita ni Ms. Mel, mukhang hindi naging balance at hindi naging makatotohanan ang ni-report ni Dante Perillo.

Una, nu’ng gabing ibinalita na patung-patong ang kasong kakaharapin ng inyong lingkod, na-withraw na ang lahat ng kasong ‘yon sa tanghali pa lang. Walang kasong isinampa at walang piyansa na nailabas.

Pangalawa, ang Assistant Administrative Manager ng GMA-7 mismo na si Ms. Florabel Yraola ang nag-certify sa amin na natrabaho kami sa mga programang Etching at S Files ng GMA-7 bilang field reporter. Nakalagay rin sa PEP na minsan ay nakakuha kami ng prestigious award dahil sa exclusive story namin sa S Files tungkol sa kasal noon nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Ipinagmalaki ‘yon noon ng naturang programa.

Pangatlo, hindi po kami nagdadala ng pekeng ID dahil ang GMA-7 ID na dala namin e, ID na ibinigay sa amin ng aming superior nu’ng panahong field reporter kami ng naturang showbiz programs. Gusto naming ipaalam sa pamunuan ng news department ng GMA-7 na bukod du’n e, meron pa kaming naitago na isa pang ID ng GMA-7 na galing din sa kanila.

At pang-apat, hindi rin po totoo na nakatakas ang aming kasamang PR client nu’ng gabing ‘yon dahil kasama ko siya mula 10 P.M. – 1:30 A.M. at dahil madaling-araw na, nagmagandang loob ang dalawang pulis na ihatid siya sa labas ng city hall para kumuha ng taxi pauwi.

Tama ang 24 Oras. Mabilis pa sa alas-kuwatro kung magbigay sila ng balita, pero nakalulungkot din na kasing-bagal naman sila ng pagong kung mag-clarify, mag-correct o kumuha ng panig ng kanilang nasirang reputasyon.

Hanggang ngayon, gusto pa rin naming maniwala sa 24 Oras. Hanggang ngayon, gusto pa rin naming tutukan ang 24 Oras kesa sa TV Patrol. Pero kung magpapatuloy ang kanilang unverified and imbalance reporting, siguro sa UNTV news program na lang kami tututok.

Hanggang ngayon din, malaki pa rin ang tiwala namin kay Ms. Mel at naniniwala pa rin kami sa naibigay naming award sa kanya bilang Best Female News Presenter dahil sa twenty years na tinagal namin bilang isang mediaman, naniniwala kami na binabasa lang ni Ms. Mel ang balitang ibinigay sa kanya ng kanilang reporter at researchers.

Wish lang namin (puwede na rin kay Ms. Vicky Morales), sana eh, maging last na kami sa biktima ng 24 Oras ng maling balita dahil hindi lang kami ang apektado roon, kundi pati na rin ang nagmamahal sa amin, okidokie?

NAKITA NAMIN SI Starstruck Princess Snell sa Startalk last Saturday at dahil du’n, nag-flashback bigla ang aming memory at marami kaming naalala tungkol sa kanya. At kung tatanungin n’yo kung grave scandal ba ‘yon tulad ng kasong nai-withraw sa amin sa Mandaluyong, ang masasabi lang namin e, abangan ang susunod na kabanata. He-he-he!!!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleTom Rodriguez, paboritong saling-pusa!
Next articleSa pinaglibingan pa ni Michael Jackson Bong Revilla at Lani Mercado, magpapakasal ulit!

No posts to display