DREAM. BELIEVE. SURVIVE. ‘Yan ang pinasikat na linya ng Starstruck, ang kauna-unahang reality-based artista search na minahal ng publiko. Marami nga ang nagsasabi na ito ang isa sa programang bumuhay sa Kapuso network kaya ito nakalaban sa mataas na ratings ng ABS-CBN. Sa programa nag-umpisa sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Katrina Halili, Megan Young, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino at marami pang iba.
Speaking of survival, kung minsan ay kailangan din ng mga minamahal nating Starstruck graduates na mag-survive sa showbiz. Kung hindi na sila natutuwa sa tinatakbo ng kanilang karera sa kanilang home network, okay lang naman na makipagsapalaran sa ibang network at subukan ang kanilang suwerte.
Luckily, karamihan sa mga Starstruck graduates na lumipat sa Kapamilya network ay mas bumongga at namayagpag pa ang kanilang showbiz career. Kilalanin natin ang ilan sa mga Starstruck graduates na ngayo’y certified Kapamilya na top-rating teleserye stars and movie actors. Baka nga hindi mo alam na galing pala sila sa Siyete, eh!
-
Cristine Reyes
From Starstruck Batch 1 (First female to be eliminated)
PASABOG agad ang entrance ni Cristine Reyes sa Starstruck. Siya ang second eliminated contestant at una sa mga babae. Kung ang ibang hopeful ay nawasak na at pinaghinaan na ng loob, iba si Cristine. Palaban at walang inuurungan, Cristine Reyes made sure na mapapansin siya ng viewers after Starstruck.
Kahit na maagang na-eliminate sa show, isa siya sa may pinaka-maraming projects sa Kapuso network. She was mostly playing either supporting or kontrabida roles. Marami ang nag-abang na siya’y magpasexy at noong siya’y naging legal na, marami ang sumuporta sa kanyang FHM Magazine debut na nagresulta pa sa isang steaming hot magazine with fellow Starstruck hottie Katrina Halili.
Dahil dito, nagka-interes ang ABS-CBN kay Cristine. Lumipat ito sa Dos noong 2008 para magbida sa sexy-drama na ‘Eva Fonda’. with Jason Abalos Naipakita ni Cristine na hindi lang siya basta sexy – she can act and gain a bigger fanbase! Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan ni Cristine include Kahit Isang Saglit, Reputasyon, Bukas na Lang Kita Mamahalin, Precious Hearts Romances presents: Kristine, at Tubig at Langis. Recently ay pinagbigyan ang hiling niya na maging kontrabida sa ‘Nang Ngumiti ang Langit’.
Naging certified box-office movie star rin si Cristine. Nag-umpisa ang pag-elevate ng kanyang karera sa pagpi-pelikula nang gampanan niya ang papel bilang legal wife sa ‘No Other Woman’ kung saan leading man niya si Derek Ramsay at naging onscreen ‘rival’ niya ang fellow Viva artist na si Anne Curtis. Ang huling pelikula ni Cristine ay ang ‘Untrue’ at recently ay nanalo ito ng award sa Portugal. Bongga!
2. Paulo Avelino
From Starstruck Batch 4
Sa totoo lang, si Paulo Avelino ang bet namin na manalo sa ika-apat na batch ng Starstruck. Noon pa lang ay may dating na ito at may ibubuga pagdating sa pag-arte at pagiging heartthrob. Nabigyan din naman ito ng supporting roles sa GMA-7, pero alam ng mga loyal fans ng aktor na he deserves more than that.
Marami ang nabaha nang lumabas ang balita na siya’y magiging daddy na (sa kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes). Usually, nagkakaroon ito ng negative impact sa karera ng isang promising actor. Luckily, nagpalit ng manager si Paulo and before you know it, nasa poder na siya ng ABS-CBN.
Sa teleseryeng ‘Walang Hanggan’ where he played the role of Nathan unang napansin ng Kapamilya viewers ang galing ni Paulo lalo pa’t challenging ang kanyang karakter na minsan ay mabait pero may mga lunatic moments.
Si Paulo Avelino ang isa sa pinakapaboritong leading men ng Kapamilya network sa kasalukuyan. Ilan sa mga top actresses na nakatambal na niya include Bea Alonzo, Julia Montes, Maja Salvador, Nadine Lustre at ang latest ay ang isa pang former Kapuso actress na si Angel Locsin. Maliban sa kanyang TV achievements ay dependable movie actor din si Paulo na lumabas na sa ilang box-office mainstream and indie films including historical films GOYO: Ang Batang Heneral at Ang Larawan. Ipapalabas na rin soon ang kanyang bagong pelikula with Janine Gutierrez na ‘Ngayon Kaya’ na parte ng 1st ever Metro Manila Summer Film Festival at sa TV naman ay bida siya sa ‘Burado’.
ALSO READ:
Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 1 (Cristine Reyes and Paulo Avelino)
Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 2 (Arci Munoz and Sarah Lahbati)
Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 3 (Enzo Pineda and Nathalie Hart)
Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 4 (Aljur Abrenica and Ryza Cenon)