Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 3 (Enzo Pineda and Nathalie Hart)

Showbiz Blogster

DREAM. BELIEVE. SURVIVE. Sa totoo lang, nakakaaliw panoorin ang Starstruck lalo na noong debut season nito. Nasusubaybayan ng viewers ang pag-bloom ng mga hopefuls from ordinary dreamers to total performers. Kung ikaw ang tinanghal na Ultimate Male or Female Survivor, in a way ay nakagawa ka na ng marka mo sa madugong mundo ng showbiz.

Starstruck turned Kapamilya stars Enzo Pineda and Nathalie Hart (Princess Snell)

May ilan naman na nakakapasok bilang finalists, pero ang kanilang determinasyon para mag-succeed sa kanilang napiling karera ay one-of-a-kind. Take for example our next two Starstruck graduates na mula sa ika-limang batch ng Starstruck – sina Enzo Pineda at Nathalie Hart (formerly known as Princess Snell).

5. Enzo Pineda

Naaalala namin na si Enzo Pineda ang isa sa early favorites sa Starstruck Batch 5 dahil maliban sa obvious boy-next-door looks nito ay malakas ang appeal nito lalo na sa young fans. Matangkad din ito kung ikukumpara sa mga kasabayan niya thus making him an ideal leading man.

Enzo Pineda’s Starstruck Photo Shoot

Pasok ito sa Grand Finals ng kanilang batch, pero hindi ito pinalad na mapiling Ultimate Male Survivor (si Steven Silva ang nanalo – nasaan na nga ba siya?) pero pinapirma ito ng exclusive contact ng GMA-7 at lumabas sa iba’t ibang TV shows tulad ng Kakambal ni Eliana, Time of my Life, Dormitoryo, My Mother’s Secret at Because of You.

Naging usap-usapan din ang open secret relationship nila ang noo’y budding drama princess ng Kapuso network na si Louise delos Reyes. Marami ang nagsasabi na dapat ay ma-elevate na into a main leading man status si Enzo, pero na-stuck ito sa second lead or kontrabida roles.

He made the bold move of moving to ABS-CBN in 2016 para gawin ang Pusong Ligaw, kung saan gumanap siya bilang anak ni Beauty Gonzales at ka-loveteam ni Sofia Andres. Later on ay lumabas din ito sa FPJ’s Ang Probinsyano, Bagani at Nang Ngumiti ang Langit. Hindi man siya main leading man sa ngayon sa Kapamilya network ay ‘di hamak na mas naging matunog ang pangalan niya nang lumipat ito.

Enzo Pineda

Sa big screen naman ay nagbida ito sa Extra Service, Bar Boys, The One That Ghosts Away, The Ghost Bride, Time & Again, Utopia at Malamaya, kung saan naging mapangahas ito sa kanyang kissing scenes with Sunshine Cruz.

Mapapanood natin si Enzo Pineda in a controversial role as a respected news reporter na may shady private life sa upcoming Sinag Maynila entry na ‘He Who is Without Sin’ with Elijah Canlas under the direction of Jason Paul Laxamana. Kasali rin siya sa upcoming all-male barkada film na G!LU!

6. Nathalie Hart

Princess Snell. Does that sweet name ring a bell? Siguro ay narinig moa ng pangalan na ‘yan ten years ago habang nanonood ka ng Kapuso shows.

Alam niyo ba na si Princess Snell at ang sexy actress na si Nathalie Hart ay iisa?

Princess Snell (Nathalie Hart) Starstruck Photo Shoot

Princess Snell was a controversial finalist sa Starstruck dahil habang ongoing ang competition ay lumabas ang mga sexy photos nito sa FHM using a different name. Eventually ay naging staple ng Bubble Gang si Princess at lumabas din sa ilang programa tulad ng Yesterday’s Bride, Magdalena, Indio at Survivor Philippines Season 2 kung saan pinagusapan ang pagiging ‘pasaway’ niya sa earlier part ng programa.

Bigla na lang nag-disappear si Princess Snell at isang Nathalie Hart ang bumungad sa press with a sexier and edgier image.

Nathalie Hart

Matapang na niyakap ni Nathalie Hart ang pagpapasexy sa indie film na ‘Siphayo’. Later on ay nagbida rin ito sa Cinema One Originals entry na Tisay with JC de Vera and Joel Torre.

Noong 2018 ay nagbida ito with Xian Lim and Coleen Garcia sa Star Cinema produced film na Sin Island at binulaga ang madlang pipol sa kanyang maseselang eksena with Xian Lim.

Mas naging visible na si Nathalie Hart sa ABS-CBN by appearing in some of its shows. Kung hindi kami nagkakamali ay never pa ito tumapak mula sa GMA Network simula nang gamitin niya ang pangalang Nathalie Hart.

Ilan sa mga naging pelikula pa ni Nathalie Hart ay ang Kusina Kings, Abay Babes at Barbara Reimagined.

Nathalie Hart

Ginagawa niya noon ang ‘The Blood Sisters’ sa ABS-CBN nang malaman niya na siya’y nagdadalang-tao. Just this year ay pansamantalang lumabas ito sa family drama na ‘Pamilya Ko’ at may gagawin din itong soap opera sa Kapamilya network soon.

If you can’t get enough of Nathalie Hart’s sexiness, available na sa iWant ang pelikula nila ni Deither Ocampo na ‘Sunday Night Fever’.

Sometimes, taking big risks pays off at sa tingin namin ay nasa estado na si Nathalie ng kanyang showbiz career kung saan pwede na siya mamili ng mga proyekto na kanyang gagawin.

Bitin ba kayo? Pero teka, alam niyo ba na mula sa Starstruck sina Enzo at Nathalie? Sa huling parte ng ating series ay dalawang Ultimate Survivors naman ang ating pag-uusapan!

ALSO READ:

Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 1 (Cristine Reyes and Paulo Avelino)

Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 2 (Arci Munoz and Sarah Lahbati)

Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 3 (Enzo Pineda and Nathalie Hart)

Starstruck graduates na mas sumikat sa ABS-CBN Part 4 (Aljur Abrenica and Ryza Cenon)

Previous articleAxel Torres, may natutunan sa kumalat niyang video scandal sa internet
Next articleVLOG WATCH: Mika vs Angelika dela Cruz Sister Tag! Who’s Most Likely To?

No posts to display