ANG STARSTRUCK ang pinaka-successful na reality-based artista search in Philippine History. Marami itong na-produce na talents, whether actors, singers, dancers and even beauty queens. Ang iba ay nag-stay sa kanilang home studio, ang GMA-7. Ang iba naman ay nakipag-sapalaran sa ibang bakuran at nagpursige na mapansin. Ang iba ay nagtagumpay, ang iba naman ay steady lang. May ilan din na mas pinili na lang na balikan ang normal na buhay.
Tinitilian ang mga male graduates ng Starstruck, pero mas sumikat at hinangaan ang mga babaeng talents nito. Win or Lose, tatak Starstruck na sila, ‘noh!
Ating balikan ang mga babaeng tinanghal na ‘Ultimate Female Starstruck Survivor’ ng kanilang panahon. Ano na nga ba ang nangyari sa kanila?
JENNYLYN MERCADO – Undeniably the most remarkable Starstruck female survivor. Hindi ito masyadong napansin sa umpisa ng competition dahil tahimik lang ito at iniiwasan ang pang-eepal sa mga away, pero napamahal ito sa madla simula nang ipamalas niya ang kanyang singing abilities. As the show progressed, ipinamalas na rin niya ang kanyang mga natatagong talent. Habang tumatagal din ay lalong lumakas ang real and reel tandem nila ng co-winner na si Makr Herras.
Nagbida sa ilang TV shows at movies. Maganda rin ang kinalabasan ng kanyang singing career. During her peek as a teen star, she got pregnant. ‘Yun lang ang moment na hindi siya visible sa TV dahil agad siyang sinuportahan ng GMA-7 by giving her more teleseryes and hosting stints.
Kamakailan lang ay hinangaan ng fans at critics ang portrayal niya bilang Rhodora/Roxanne sa Rhodora X. Nanalo pa nga ito ng Best Female Kontrabida award sa Yahoo a few days ago.
Wala pang nababalitang next teleserye for Jen, pero malapit naman nang ilabas ang kanyang bagong music album under GMA Records.
RYZA CENON – Mataas ang expectations ng mga tao kay Ryza Cenon nang manalo ito sa Starstruck dahil mahigpit ang laban sa pagitan nila ni LJ Reyes. Simula nang pasukin ng dalaga ang showbiz, natoka ito sa ilang teenybopper roles and teleseryes. Minsan pa nga ay binansagan din ito bilang Bad Girl ng Dance Floor dahil sa kanyang dancing prowess. Bale parang siya ang naging female version ni Mark Herras pagdating sa hatawan.
Speaking of Mark, may tsika pa noon na si Ryza daw ang sanhi ng tuluyang paghihiwalay ng landas nina Mark at Jennylyn noon. Wala nang ibang na-link na celebs kay Ryza after that incident dahil non-showbiz na ang nakarelasyon nito.
Nagpakita na rin ng skin si Ryza sa FHM last year after so many years ng pag-alok sa kanya. Unfortunately, hindi ito masyadong nakatulong sa kanyang karera. Puro support roles pa rin ang ginagawa niya ngayon. Isipin na lang natin na at least mark work, ‘di ba?
NEXT ISSUE: Jackie Rice, Jewel Mische and Sarah Lahbati
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club