GAANO KAYA KATOTOO ang nasungkit naming balita na may namumuong relasyon between Japanese actor/ producer Jacky Woo at Starstruck V Avenger at half-Pinay/ half-Japanese na si Nina Kodaka?
Balita kasing lumipad daw ang dalawa nang walang ibang kasama kamakailan para raw ipakilala na ni Jacky si Nina sa kanyang pamilya sa Japan, at mukhang igagarahe na sa Land of the Rising Sun!
Mukhang madly in love na ang mabait na Hapon na may pusong Pinoy kay Nina. Kaya naman dagdag pa sa amin ng aming source, nagsimula raw ang love story ng dalawa nang magkasama sila sa Japanese indie film na Haruo, kung saan isa si Nina sa leading lady ni Jacky.
Ipinakita na rin nga daw ni Jacky kay Nina ang kanyang mga business sa Japan at handa nga raw nitong tulu-ngan ang iniirog na Japinay actress na matupad ang pangarap na ma-kilala abroad. Kaya naman ka-join daw si Nina sa lahat ng pelikulang gagawin ni Jacky na pang-international ang release. ‘Yun na!
HINDI MAIWASANG MALUNGKOT ang young actor na si Hiro Magalona sa hindi pagkakasama sa pelikulang pagsasamahan ng GMA Tweens, ang Tween Hearts The Movie, Clash Of 2012, kung saan halos lahat ng GMA Tweens ay magkakasama.
Inisip na lang daw ni Hiro na hindi para sa kanya ang nasabing pelikula. Pero kahit hindi ito naka-join sa said movie, pinangakuan naman ito ni Mother Lily na isasama sa Shake Rattle and Roll, na naka-takdang isali sa 2011 Metro Manila Film Festival, bukod pa sa isang pelikula ng Regal Films na isasama rin daw ni Mother ang kanyang bagong Regal baby na kung ihalintulad nito ay mala-Richard Gomez nang nagsisimula pa lamang.
Sa nga-yon, busy si Hiro sa kanyang dalawang regular TV shows, ang Tween Hearts, na nananatiling number 1 at hindi pa rin nauungusan ng mga kalabang shows sa iba’t ibang istasyon, at ang numero uno rin sa Canada, Amerika at ibang karatig na bansa, ang Walang Tulugan With the Master Showman, na napapanood naman after ng Come-dy Bar.
UNSTOPPABLE ANG UNTI-UNTING pagsikat ng young star na si Bea Binene, dahil mula sa sandamakmak na shows (Tween Hearts, Party Pilipinas, Captain Barbell at isang GMA News TV show) at pelikulang Tween Hearts The Movie, Clash of 2012, isa ito sa bagong dagdag na image model ng BUM Apparel .
Kaya naman wala raw dapat ika-insecure si Bea sa ibang young stars ng GMA-7, dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Nagbunga na nga raw ang kanyang matagal nang paghihintay na ma-bigyan ng sunud-sunod at magagandang proyekto.
Naglipana nga sa bawat sulok ng Pilipinas ang billboard ni Bea kasama ang kanyang mga co-celebrity endorsers. Bukod sa BUM, may mga parating pang bagong endorsement si Bea na talaga namang nagpapatunay na isa siya sa pinakamabentang artistang endor-ser sa showbiz.
WALA RAW BALAK pasukin ng 2010 Female Olive C campus model search winner, at 2011 Ms. Earth Philippines-Water na si Muriel Adrianne Orais ang mundo ng showbiz, kahit bagay na bagay at swak na swak itong mag-artista.
Ayon sa Cebuanang si Muriel, mas gusto raw muna niyang magtapos ng pag-aaral at gampanan ang tungkulin bilang Ms. Earth Philippines-Water, at tsaka na raw niya pag-iisipan kung susubukan niya ang mundo ng pag-arte.
11 awards ang nakuha ni Muriel sa katatapos na Ms. Earth Philippines 2011, kasama ang Ms. Photogenic, Best in Amazon Costume, Best in Casual Wear, Ms. Gandang Ricky Reyes, atbp. At sa pagwawagi ni Muriel, sunud-sunod ang magiging activities nito na magsisimula sa June 17-20, kasama ang apat pang winners sa Palawan, June 20 (Cebu motorcade), June 23 (Cebu fashion show for Lemuel Rosos collection) at sa mga promotional activities ng Olive C at ng Carousel Production.
John’s Point
by John Fontanilla