Steve Harvey, banned kay President Duterte sa Miss Universe 2016

 alt=

President Rodrigo Duterte & Steve Harvey
President Rodrigo Duterte & Steve Harvey

Mukhang malabong muling mag-host sa darating na Miss Universe 2016 pageant si Steve Harvey. Ito ay kung masusunod ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mayroong 5-year contract si Harvey para mag-host ng Miss Universe pageant.

Ayon sa balita, sinabi ni Pangulong Duterte kay Tourism Secretary Wanda Teo na, “Hindi puwede!” nang sabihin ng secretary na magho-host si Harvey ng nasabing beauty pageant dahil nga sa kontrata nito. Mismong ang Pangulo pa umano ang makikipag-usap sa Miss Universe Organization tungkol dito.

Sabi naman ni Secretary Teo sa media, ipararating na niya ang concern ng Pangulo sa Miss Universe Organization at gagawa siya ng paraan para mapahupa ang galit ng Pangulo kay Harvey.

“Siguro that is what I’m going to do para hindi talaga magagalit ang president. Siguro maglalagay ako ng girl from the Philippines (who) will co-host,” aniya at maaari raw mula sa media ang nasabing co-host.

Matatandaang noong Miss Universe 2015, nagkamali ng pagbasa sa pangalan ng first placer si Harvey kaya naman inakala ng manonood na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nanalo, sa halip na si Miss Philippines at ngayo’y Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Gaganapin ang Miss Universe 2016 sa bansa sa January 30, 2017. Main venue ang Metro Manila, habang may magaganap ding events sa mga lungsod ng Vigan, Iloilo, Cebu, at Davao.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleJasmine Curtis Smith, kinuyog dahil sa komento kay Rihanna
Next articleMaine Mendoza, sinagot na ang isyu tungkol sa natsitsismis na boyfriend

No posts to display