MULA SA daan-daang sumali mula sa regional competitions na si isinagawa ng “It’s Showtime” at ng The Filipino Channel (TFC) sa North America, Asia, Middle East at Oceania, nagkaalaman kung sino ang magtatayo sa bandera sa koponan ng overseas Filipinos (OF) sa Tawag ng Tanghalan sa ginanap na Semi-Finals nitong linggo sa top-rating variety show na “It’s Showtime”.
Sina Steven Paysu ng California, U.S.A. at Makote Inoue ng Kanagawa Prefecture, Japan ang nakakuha ng combined judges at fan votes, kabilang ang international votes sa tntvote.abs-cbn.com
Mula sa 12 contenders na nagpaandar ng kanilang galing ay masasabing mahigpit ang labanan ng lahat nang nagpakitang gilas
Kabilang sa nag-compete na isinagawa sa Showtime ay dumating ang 12 contenders mula sa kani-kanilang pinagmulang bansa para makipag-tagisan ng kanilang galing sa pagkanta sina Al Angelo Bernal ng Abu Dhabi; Joseph Legaspi ng Guam, Penny Salcedo ng Hong Kong, Inoue, Bernardite Steiger ng Austria, Cris Rotor ng South Korea, Rex Angelo Urbano ng Australia Louise Auman ng Austria, Aaron Paul Manabat ng Singapore, Chlea Maria Trinidad ng Bahrain; at Jing Wenghofer ng U.S.A. at sina Steven Paysu at Makote Inoue na parehong nanalo.
Kuwento ni Steven na competitor na galing USA: “Ang aking journey po mula sa Vegas – hindi ko po talaga inaasahan na makakarating ako dito sa Pilipinas. Talagang napakahirap ng proseso na pinagdaanan namin. Worth it naman, at ito na nga ang resulta.”
Dagdag pa ng isa sa mga winner na si Steven: “First time kong marinig na may inconsistencies ako sa kanta ko. Sa backstage iyak ako nang iyak. Pero ‘yong comments ng mga tao nakikita ko – na-touch ako ng sobra. From the bottom of my heart, thank you,” sabi niya.
Surprising ang pagkapanalo ng father of two na si Inoue na competitor from Japan. Noong umpisa ng voting sa Region Finals, hindi si Inoue ang pinakamataas. Ngunit sa Regional Finals kung saan na-impress rin niya ang judges, kasama naming nag-bigay ng kanilang voter nods ang online citizens. Sa huli, naipanalo ni Inoue ang Semifinals sa kanyang winning combination ng karisma at vocal prowess.
Hindi makapaniwala ang public school teacher nang tinawag ang kaniyang pangalan. “Parang hindi muna ako nag-react muna – parang ‘pangalan ko ‘yon?’ Hindi nag-sink in, eh. Pero talagang napaluhod ako – parang ‘yong lakas ng katawan ko nawala. Sobrang saya, excited, nanginginig ang tuhod ko”, reaksyon ni Inoue.
Naguwi ng tig-P150, 000 sina Paysu at Inoue each at ang titulo bilang kauna-unahang global representatives sa Global Tawag ng Tanghalan.
Sa Marso, makakasagupaan naman nila ang mga 1st and 2nd Quarter semi-finals winners na sina: Jovany Satera at Alfred Relatado ng Quarter 1 at Anton Antenor Cruz at Remy Luntayao ng Quarter 2.
Ayon kay Punong Hurado Rey Valera: “Para sa akin isang big deal ang nangyari sa akin ang nangyari ngayong araw na ito. Noong bata pa ako naririnig ko na ang Tawag ng Tanghalan sa radyo, sa TV and ngayon – global.
“Kinikilabutan ako kapag nare-realize ko iyan. Iyong mga TFC teams sa iba’-ibang lugar na tumulong sa ating mga kababayan – maraming, salamat. Iyong mga staff na akala niyo kay dali na nagdikit-dikit ng mga video na iyon, i-coordinate lang ang mga schedules etc. mahirap na. Proud po ako to be a part of Tawag ng Tanghalan.” paliwanag ng singer-composer
Sa mga hindi nakapanood ng mgakaganapan sa pagkapanalo ng dalawa ay pwede ito mapanood sa TFC IPTV at TFC online platforms (www.TFC.tv).
Reyted K
By RK Villacorta