Sticker Police Officer (SPO1)

0923589xxxx – Tol Raffy, gusto ko pong ipaalam sa inyo ang mga kalokohang ginagawa ng mga pulis dito sa bandang Padre Faura sa Taft. Nagbebenta po ng sticker ang mga pulis na nakadestino rito. Ang sticker na ito ay mabibili sa halagang P5 at minimum sa sampung piraso bawat isang driver. Kapag mayroon kang sticker, hindi ka na huhulihin kahit na lumabag ka pa sa batas-trapiko. Bawat isang sticker ay para lamang sa isang araw, dahil kinabukasan bagong sticker na naman ang kailangang ilagay. Sobra po ang ginagawa ng mga pulis na ito. Bukod sa lalong tumitigas ang ulo ng ibang mga driver dahil sa ka-

nilang pangungunsinti ay magiging malakas pa ang loob ng mga driver na ito. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang mga maling gawain ng mga pulis na ito. Sana po ay maparusahan sila sa pamamagitan ng pagtanggal sa serbisyo. More power po sa inyong show na WANTED SA RADYO.

0905496xxxx – Mr. Action Man, ako po si Catalina Gonzales, nais ko pong ireklamo ang isang nagpapakilalang isang account officer ng SSS ng Baliuag, Bulacan. Ang lahat po ng tindera sa palengke rito sa aming lugar ay tinatakot. Ayon po sa kanya, kapag hindi raw po kami nagbayad ng aming kontribusyon sa SSS ay kakasuhan po kaming lahat. Sana po ay matalakay ninyo ito sa inyong programa para matigil na ang ginagawa ng mga abusadong kawani ng gobyernong tulad nila. Maraming salamat po.

0917317xxxx – Sir Tulfo, gusto ko po sanang paim-bestigahan ang Guiuan East Central School dito sa lugar ng Eastern Samar. Sa Marso 31, gaganapin ang pagtatapos ng mga estudyante ng eskuwelahang ito. Ang medalya pong isasabit sa mga honor students ay mayroong mukha ni Congressman Ben Evardone. Sana po kung gusto po niyang mag-donate at talagang ga-ling sa puso, hindi na po kailangan pa na mayroong pangalan o litrato ng kanyang mukha. Sana po ay ma-bigyan ninyo ng pansin ang bagay na ito. More power po sa inyong show.

0918434xxxx – Boss Raffy, nais ko lamang pong malaman kung ligal po ba ang ginagawang paniningil ng P440 para sa graduation fee. Ito po ay isang public school sa Pateros. Mayroong halos isang libong estudyante na nakatakdang magtapos sa taong ito. Kung ang bawat isa ay magbabayad, makakalikom sila ng tumataginting na P440,000. Ito raw po ay para sa pag-arkila ng sound system, silya at toga na gagamitin sa araw ng pagtatapos. Kahit naman po umarkila ng mga nasabing gamit, hindi po ito aabot ng ganu’ng kalaking halaga. Sana po maipahatid po ninyo ito sa tanggapan ng DepEd para mapaimbestigahan ang mga bagay na ito. Napakaganda po ng layunin ng inyong programang WANTED SA RADYO.

Ang inyong mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO 2:00-4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Ang T3 ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa oras na 5:15-6:00pm sa TV5. Samantalang ang WANTED naman ay mapapanood sa bago na nitong oras pagkatapos ng Pilipinas News Live, tuwing Lunes, sa TV5.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous article‘Di na Inuwian ng Mister na OFW
Next articleSa kakahuyan at sementeryo gumagawa ng milagro: young actor, pahada sa mga parlorista!

No posts to display