Stop Torture!

Ai Phils Stop Torture Presscon Stop Torture 1 Ai PhilsKUNG IKAW ay sinadyang saktan o pinahirapan sa anumang paraan, pinarusahan, tinakot o pinagbantaan ng isang taong nasa awtoridad para makakuha ng impormasyon o ng pag-amin ng kasalanan, ikaw ay tinorture. Ito ay ilegal sa lahat ng pagkakataon at ipinagbabawal ng batas.

Alam niyo ba na sa Pilipinas, 2009 pa naipasa ang Anti-Torture law. Limang taon na ang nakakalipas at laganap parin ang torture at ni isa ay wala paring nahahatulan dito sa Pilipinas. Nitong Disyembre, dumating dito sa Pilipinas ang secretary-general ng Amnesty International na si Salil Shetty , pinakamalaking human rights group sa buong mundo upang ilaunch ang report kaugnay ng torture sa Pilipinas. Ito ay tinawag nilang Above the law: Stop Torture! Kasama nito nag iba pang opisyal ng AI mula sa London.

Ang Amnesty International na nakabase sa London ay global movement na ang pangunahing layunin ay maproteksyunan ang karapatang pantao at dahil dito ay nabigyan ng Nobel Peace Prize ang Amnesty International dahil sa pagsusulong ng freedom, justice at peace sa buong mundo noong 1978.

Mula 2014-2016, ang Pilipinas ay Asia priority country ng Amnesty International sa global campaign nito na ihinto ang torture. Naniniwala ang AI na potential human rights leader ang Pilipinas sa Asia dahil sa pagkakaroon nito ng excellent human rights treaty ratification record.

Ayon sa report ng Amnesty International, sa mga kapulisan nangyayari ang torture. Kadalasan na mga police informants or assets ang biktima kapag ito ay gusto na bumitaw sa kanilang trabaho. Ang mga malimit na paraan ng pangtorture ay waterboarding, beating at electrocution. Sa mga detention centres naman ito madalas isinasagawa.

Sa kasalukuyan, dalawang biktima ng police torture ang tinutulungan ng Amnesty International. Ang pagbisita ng secretary-general dito sa bansa ay naglalayong mahinto ng tuluyan ang torture. Isang independent body ang iminumungkahi ng AI upang mag-imbestiga at tumutok sa mga kaso ng torture. Samantalang sina Aiza Seguerra naman at Dingdong Dantes naman ang mga bagong artists for Amnesty. Naniniwala ang AI na malaki ang nagagawa ng mga artista upang maabot ang mas nakakarami at mapalakas ang campaign laban sa torture.

Kung kayo ay may kilalang kasalukuyang biktima ng torture o kayo mismo ang biktima ng torture, wag mag-alinlangan, ito ay ipagbigay alam o lumantad.

By Joy Mesina


Previous articleLa Chevrerie, the place to be after the Holidays
Next articleLove is in London!

No posts to display