Straight to the point with Vangie Labalan

SA AKING TRABAHO, tila walang masamang tinapay. Minamasdan ko muna ang attitude ng tao, sikat man o hindi. Sikat, kung tila may character ang kanyang pamamaraan at kung papaano siya umiikot sa daigdig ng sining na kanyang ginagalawan. Nandoong minsan sasabihing ngayon lang siya nakaranas na ma-interview at ganu’n na lamang ang tuwa at pasasalamat. May emotional, may pa-impress at iba’t ibang attitude, pero malaki ang kanilang katuwaan kung nababasa nila sa Pinoy Parazzi ang kanilang tila talambuhay sa maikling konbersasyon. At simpleng ngiti ang aking sukli.

Isang halimbawa si Tita Vangie Labalan, na nilapitan ko nang nakita kong tila nagre-review ng mga script. Isa siyang voice and acting coach. Ayon sa kanya, bihasa siya sa one-on-one na pagtuturo sa mga artista upang maging mahusay sa larangan ng acting. “Ang una kong mga pelikula ay mga high drama katulad ng Himala, Baby Tsina. So ‘nung later, nakita rin ako ng ibang director. So, kinuha nila ako bilang artista.”

Sa bagay, mukhang maingay nga siya. “Kaya palagi akong isinasalang. And before I knew it, dahil lagi akong kasama ng Tito, Vic & Joey, naging tawag na sa akin eh, comedienne na.”

Ano, tawagin ba kitang Tita Vangie? “Vangie na lang.” Ah, tatanda siguro siyang masyado. Hahahahah! Kaya naman tinanong ko kung ilan na’ng edad niya. Teka! Secret na lang daw, kasi ayaw niyang mai-print ang age niya, heheh!

Ayon sa kanya, galing siya ng radio noong 1962 at nagawa na niya sa radio ang dramang ipinagagawa rin sa kanya sa pelikula at telebisyon. Sinabi niyang walang mga pagkakaiba sa dalawang larangan. Sa ngayon, acting coach siya sa GMA-7, ABS-CBN at TV5 din.

Paano ninyo inuumpisahan ang pagtuturo sa isang artista? “First, pinapabasa ko sila ng script para maramdaman ko kung marunong ba o hindi.”

Uhum… natatakot ba sila sa inyo or mahigpit kayo? “Bahala na sila. Puwedeng natatakot sila, puwedeng hindi sila nagpe-pay attention. Parang proud naman ako na kapag may nakita akong sikat, sasabihin, ‘Ay, thank you, Tita’ ganu’n. Bing Loyzaga is matagal nang artista but I taught her. Timmy Cruz, Vina Morales, ganyan pa lang kaliit.”

Ito naman ang kuwento kung paano nagsimula ang kanyang love affair sa kanyang naging asawa. “Wala lang… tingin-tingin, kuwento-kuwento. Pero nakita siyempre n’ya gusto ko siya siguro, kasi sa dinami-dami ng may gusto sa kanya, guwapo siya’t champion sa kantahan at laging nananalo. Pero ‘pag matagal ang titig, alam na niya ‘yun, ‘yun… niligawan n’ya rin ako. Ako, nakuha lang ako sa tingin. Or s’ya nakuha ko sa tingin.”

Paano ba nalalaman? “Ako hanggang ngayon, naniniwala ako sa matatapang na babae, sila ang unang pipili. ‘Pag naramdaman ng lalaki, lalapit na para ligawan sila. Kung ayaw ko siyempre, hindi ako mag-e-entertain sa ‘yo.”

Ah, ganu’n ho ba ‘yun? “Ah, ako based sa experience ko. Ako ang pumipili kung ano ang nagugustuhan ko.”

You mean mas tough ang gender mo? “Basta ‘yung mga lalaki d’yan, kung sino ‘yung nagugustuhan ko, ‘yun ang lalapit sa akin. Kasi sila ang napipili ko. Ang lalaki kasi, naaamoy nila kung may gusto ka sa kanila.” Ah, hahahah! Ganu’n ba ‘yun? Mwaahhahahaha!

Ayon sa kanya apat ang naging bunga nila ng kanyang mister. “Lahat sila marunong mag-arte. Pero tatlo, nasa Sydney (Australia). Panganay ko is a dentist, pangalawa ko is a computer programmer. ‘Yung pangatlo, Behavioral Science graduate and social worker, at ‘yung pang-apat ko, tapos ng Philosophy, nagtuturo siya ng acting workshop. Nag-aartista rin sila, voice talents. Gumagawa nga kami ng commercial. So, binuhay ko sila sa ganitong trabaho lang, eh.”

Bilib ako kay Tita Vangie sa pagtataguyod sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng tiyaga at sipag. At boys, makuha kayo sa tingin, hehe!

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleErich Gonzales, sinapian ng masamang espiritu sa taping ng teleserye?!
Next articleMga dating hubadero, nagbago!

No posts to display