Stranded dahil walang panglagay!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Isa po akong driver ng truck dito sa pier ng Batangas. Stranded po kami ngayon kahit walang bagyo, dahil pagdating sa gate inuunang pinapapasok ay iyong mga naglalagay. Iyong mga hindi naglalagay ay nagtitiis na pumila. Tapos po iyong pulis sa gate, kapag magpapa-record ka ng license at saka OR/CR ng sasakyan ay lagi pong nanghihingi ng P40.00 kapag may karga ang truck. Sana po matulungan ninyo kami.

Reklamo ko lang po ang mga pulis dito sa Road 10 dahil nag-e-escort sila ng mga trucking na overload ang mga pangarga para hindi mahuli ng timbangan ng DPWH.

Sumbong ko lang po na riyan sa may LTO Main Office ay hindi sila nagsusukli. Isa po akong concerned taxi driver.

Isa po akong concerned citizen, reklamo ko lang po ang sobrang alikabok at ingay na dulot ng ginagawang pabrika sa Tramo Road, Ligtong 3, Rosario, Cavite.

Concerned citizen lang po ako rito sa aming barangay sa Cabuyao, Laguna. Sa may Joseph VI Village dahil ang mga aso ay pakalat-kalat. Hindi na po makapag-patrol nang maayos ang mga tanod at guwardya dahil hinahabol sila ng aso. Mayroon na nga rin pong isang tao na sumemplang ang motor at nabalian ng paa dahil sa paghabol ng aso. Sana po ay matulungan ninyo kami na maaksyunan ito.

Problema po namin ang baradong kanal sa Brgy. 185, Amazor Gate 3, Pasay City dahil sa bandang itaas na nasasakupan lang ng barangay ang ginagawa nila. Samantalang ang bandang ibaba na nasasakupan nito na siyang may baradong kanal talaga ay hindi nagagawa, ang laging dahilan nila ay ubos na ang budget.

Irereklamo ko po rito sa amin sa P. Burgos St., Brgy. Escopa 3, Project 4, Quezon City ang sidewalk na hindi na maraanan sapagkat puro mga vendors na ang nakapuwesto roon at sinakop ang buong bangketa.

Hihingi lang po ako ng tulong tungkol sa lisensya ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin po nakukuha. July 21, 2015 pa po ito dapat nakuha sa LTO Alabang sa Alabang Town Center, pero apat na beses na akong bumalik, wala pa rin. Nagkamali raw ng lagay ng birth date, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito naaayos. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleJasmine Curtis-Smith, ‘di raw maikukumpara ang bagong BF sa ex na si Sam Concepcion
Next articleArnell Ignacio, bida sa mga bisita sa isang showbiz gathering dahil sa pagiging maka-Duterte

No posts to display