NAGUSTUHAN KO personally ang unang pelikula ni Direk Ice Idanan na director ng romcom na Stranded na bida sina Arjo Atayde at Jessy Mendiola.
Gusto ko ang kasimplehan ng istorya ng ‘Sakaling Hindi Makarating’ na bida si Alessandra de Rossi. Sa katunayan, nanalo yong pelikula niya sa iba’t ibang mga international film festival.
Sa full trailer ng pagalawang movie niya na masasabing “commercial” after watching it, mas naging interesado ako sa kuwento ng dalawang karakter sa pelikula niya na produced ng Regal Films na palabas na sa darating na April 10.
Si Direk Joey Javier Reyes pala ang nagpakilala kay Direk Ice kay Miss Roselle Monteverde na nagustuhan naman ng lady producer na anak ni Mother Lily ang konspeto ni Direk tungkol sa pagka-stranded ng dalawang karakter dahil sa bagyo na sa simula ay nagkakaasaran sina Arjo at Jessy hanggang maging magkaibigan sila at nagkagustuhan.
Ibang karakter ang ilalahad ni Direk Ice na makikilala ng manonood. Sina Arjo playing the role of Spencer at si Jessy naman as Julia at mga bagong karakter na mamahalin ng manonood.
Imagine dalawang karater na dahil sa bagyo at parehong nastranded ay magkakagustuhan?
Sa ngayon, ang Regal Films ang isa sa mga film outfit na nagbibigay ng break sa mga baguhang directors and writers para magkaroon ng pelikula nila sa konsepto na feasible na maging hit sa takilya.
Iba rin kasi ang takbo ng utak ng mga baguhang films directors na may ibang pananaw sa mga pelikulang inilalahad nila sa publiko.
Reyted K
By RK Villacorta