Naging Ultimate Male Survivor si Mike Tan sa second batch ng reality show na Starstruck pero parang nahihirapan naman yata siyang i-survive ang showbiz career niya na hindi pa rin maintindihan hanggang ngayon kung saang direksiyon tutungo.
Ipinanganak si Jan Michael S. Tan o Mike Tan sa Angono, Rizal noong Disyembre 31, 1986. Nakuha ni Mike ang kiliti ng publiko dahil sa kaguwapuhan niya at kaakibang sex appeal. Nang manalo si Mike sa Starstruck Season 2 bilang Ultimate Male Survivor, nagkaroon siya ng pagkakataon na maging isa sa mga co-host ng SOP Rules at SOP Gigsters. Nakasama rin siya sa iba’t ibang telenobela/ serye ng Kapuso tulad ng Marimar, Maging Akin ka Lamang, Babangon Ako’t Dudurugin Kita, Dear Friend, LaLola, Dapat Ka Bang Mahalin, at ang latest, kasali raw ito sa cast ng Rosalinda.
Marami ang nagsasabing mabagal ang takbo ng karir ng binata na namataang may kasamang girlfriend sa premiere night ng Kamoteng Kahoy. Kung ikukumpara siya sa karera ng mga kapwa niya Survivor na sina Mark Herras, ang namayapang si Marky Cielo, at ngayon nga, si Aljur Abrenica, masasabing nangungulelat siya sa pag-angat. Sina Mark at Aljur kasi, eh, umuukit na ng kanilang pangalan para maging isa sa mga bankable leading men ng Kapuso Network.
In fairness, naging leading man naman siya sa Now and Forever: Mukha pero pagkatapos nito, hindi na nasundan pa. Ngayon, naunahan na rin siya ng nag-ober da bakod na si Geoff Eigenmaan. Well, ano na nga ba talaga ang nangyayari sa karera ng isang Mike Tan? Na-stuck na ba siya sa mga supporting role nang tuluyan?
Ni Mayin de los Santos, Photos by Parazzi Wires and Mark Atienza