DAHIL SA takot na kumalat ang COVID-19 kaya nagdesisyon ang ABS-CBN na huwag na munang magpapasok ng studio audience para sa kanilang mga live shows. Nagsimula ito nitong March 10, araw ng Martes.
Nag-isyu rin ng official press statement ang ABS-CBN hinggil dito. Pakibasa.
“PAHAYAG SA ABS-CBN STUDIO AUDIENCE
Nagdesisyon ang ABS-CBN na pansamantalang ihinto ang pagpapapasok ng studio audience sa mga palabas nito simula ngayong araw (10 March 2020) matapos magdeklara ang gobyerno ng state of public health emergency.
“Kabilang sa mga apektadong programa ang “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Banana Sundae,” “I Can See Your Voice,” at “iWant ASAP.”
Ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga manonood, artists, crew at production team ang pinakamahalaga para sa amin. Responsibilidad nating lahat na tumulong sa pag-iwas ng pagkalat ng COVID-19.
Maraming salamat mga Kapamilya para sa patuloy na pagsuporta, pag-unawa, at pagtangkilik sa aming mga programa.”