MAPAPANOOD NA simula December 25 ang pelikulang Suarez: The Healing Priest na pinagbibidahan ni John Arcilla bilang si Fr. Fernando Suarez. Ang pelikula na prinodyus ng Saranggola Media Productions at idinirek ni Joven Tan ay kasali sa 2020 Metro Manila Film Festival – ang first ever virtual MMFF na mapapanood via UPSTREAM.ph.
Suarez: The Healing priest is a motion picture experience that will make you reflect on compassion, faith, healing, miracles and relationship with our fellow men and to our God. The movie tells us all that God heals.
Ipapakita din sa pelikula ang tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest — kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.
Ang Suarez: The Healing priest ay isa ring “casting coup” dahil bukod kay John ay 52 artista pa ang kasama sa pelikula at sila ay ang mga sumusunod base sa kanilang order of appearance: Gina Pareno, Jin Macapagal (as young Fr. Suarez), Marlo Mortel, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Lui Manansala, Troy Montero, Marissa Sanchez, Rubi Rubi, Christian Vasquez, Dante Rivero.
Kasama rin sa pelikula sina Alice Dixson, Ynigo Delen, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Charles Kieron, Pam Gonzales, Althea Pinzon, Zeus Collins, Glenda Garcia, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Janna Trias, Tom Doromal, Willsen Estabilo, Perla Bautista, Bobby Andrews. Zeppi Borromeo, Joe Vargas, Jay Dizon, Alora Sasam, Andrea del Rosario, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Leo Martinez, Jon Achaval, Jairus Aquino, Alan Paule, Ahwel Paz, Maru Delgado, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Rosanna Roces, Meggie Cobbarubias, Simon Ibarra, Dennis Padilla, Tess Antonio, Buboy Villar, Archie Adamos at Gerald Ejercito.
Masuwerte ang mga napanood na agad ang pelikula dahil sa “healing” na hatid nito sa kanila. Nire-request din na magkaroon ito ng premier night pero definitely hindi sa Metro Manila dahil naka-GCQ pa tayo.