PURING-PURI ng SBMA Chairperson and Administrator Wilma Eisma sa ginawang effort ng mga film festival directors na sina Arlyn dela Cruz-Bernal at Vic Viscocho Jr. sa kauna-unahang Subic Bay International Film Festival (SBIFF) na isinagawa sa Harbor Point Mall last Sunday night.
Sa unang taon ng film festival, anim ang mga pelikula ang pumasok as entry sa naturang filmfest na nagsimula last Friday (June 22) na nagtapos last Sunday (June 24) na araw din ng awarding ceremony.
Narito ang mga nagsipag-wagi mula sa six entries ng First Subic Bay International Film Festival:
· Best Picture – Bhoy Intsik
· Best Actor – RS Francisco (Bhoy Intsik)
· Best Actress – Tessie Tomas (Old Skool)
· Best in Cinematography- Rain Yamson III (Bhoy Intsik)
· Best in Music – Noning Buencamino (Old Skool)
· Best in Prod Design – Roma Regala (Old Skool)
· Best in Story and Screenplay – Ronald Carballo (Bhoy Intsik)
· Best in Editing – Ang Araw sa Likod mo
· Best Director – Dominic Nuesa (Ang Araw sa likod mo)
· Best Ensemble – Isang Hakbang
Isang special award naman ang iginawad kay Direk Elwood Perez as the Master in Cinema.
Ang mga jurors ay kinabibilangan nina: Directors Elwood Perez at Emmanuel dela Cruz; Atty. Arlene Basas (civic leader); Dean Edgar Geniza (PHD in Philosophy and artists); Atty. Randy Escolango (former SBMA Administrator); Mr. Benjamin Antonio III (UP Conservatory of Music) at ang mga festival directors na sina Dela Cruz at Viscocho.
Reyted K
By RK Villacorta