KAPANSIN-PANSIN NGAYON ANG paglago ng independent movie industry sa Pilipinas. Sa katunayan nga, ang ilan sa mga pelikulang nilikha ng matatapang nating baguhang independent film producers ay kinikilala sa iba’t ibang international film festivals. Dahil dito, nabibigyan din ng break ang ilan sa ating mga character actors na ipamalas ang kanilang husay sa kinagigiliwang sining.
Si Sue Prado ang isa sa mga kilalang Pinay independent movie actress ngayon. Sa loob lamang ng dalawang taon ay sari-saring pelikula na ang kanyang nilabasan. Tumatak sa manonood ang kanyang pagganap sa tatlong karakter sa pelikulang ‘Himpapawid’ ni Raymond Red, na umani ng sandamakmak na awards at recognitions abroad. Napahanga ni Sue ang madla sa kanyang husay sa pag-arte. Siya lang naman ang ginawaran ng Best Supporting Actress sa Gawad Urian noong nakaraang taon. Level-up sa aktingan agad ang lola mo, huh? ‘Di rin naman ito magpapatalo kung kaganda-han at kaseksihan din lang naman ang pag-uusapan, ‘noh!
Pinag-uusapan pa rin ang pelikulang ‘Ganap na Babae’ dahil nagkaroon ito ng screening noong Marso sa UP Diliman at UP Los Baños para sa pagdiriwang ng International Women’s Month. Bida si Sue Prado sa ‘Kamote’ segment ng nasabing trilogy film sa ilalim ng direksyon ng critically-acclaimed indie film director na si Ellen Ramos.
Nakapanayam namin kamakailan ang dalaga at napag-alaman namin na isa pala itong University of the Philippines – Los Baños Theater Major graduate. Naikuwento rin nito sa amin na kahit pa may kinalaman sa sining ang kanyang kursong natapos, hindi nito na-apply agad ang mga natutunan sa eskuwelahan dahil sumabak ito agad sa pagkayod.
Working student pa nga siya noon at nakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagiging isang events coordinator. Sumalang din ito sa call center industry ng ilang taon. Hindi rin naman masyadong hectic ang schedule niya noon, ‘di ba?
Proud si Sue Prado na mapabilang sa lead cast ng ‘Ganap na Babae’. Ginampanan nito ang papel ni Milagros, isang probinsiyanang nakatira sa isang liblib na lugar kasama ang nakababatang kapatid na si Elena (Jam Perez) at ang mga pamangkin nito. Kapansin-pansin sa episode na ito ang paggamit ng more ‘silent’ moments.
Ito bale ang tipo ng istorya na ikaw mismo bilang manonood ang makakaramdam sa pighating nararamdaman ng bawat tauhan. All praises si Sue sa kanyang mga nakatrabaho lalo na kay Direk Ellen Ramos.
Sa ngayon ay unti-unti na ring pinapasok ng indie film directors and actors ang mainstream TV and movies. Nang tanungin ko kung willing itong mag-crossover sa kabilang mundo ng aktingan, sinabi nito na para sa kanya, may iba’t ibang forms of acting – Feature, Shorts, TV, Theate,r atbp.
Isang commitment na maituturing ang akting at kung talagang naniniwala siya sa isang proyekto, gagawin at gagawin niya ito kahit ano pa ang role niya. Ang bongga lang, ‘di ba?
Balita namin ay marami pang nakalinyang projects itong si Sue, pero masaya ito dahil nag-uwi ng parangal mula sa katatapos lang na SoHo International Film Festival ang ‘Ganap na Babae’. Ito ay ang MIENT’S PICK: Excellence in Cinematography Award. Kasali rin sa nasabing women empowering movie sina Mercedes Cabral, Jam Perez at Boots Ason-Roa. Produced by Hubo Productions, ito ay sa ilalim ng direksyon nina Rica Arevalo, Sarah Roxas at Ellen Ramos.
For comments, questions and suggestions, kindly email us at [email protected]. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club