Sue Prado: Amazing Woman & Face of Independent Film

SUE PRADO. ISANG babaeng ang ganda ay pang-masa. Kayumanggi at ‘di matatawaran ang angking galing sa mga ibinibigay na role. Minsan na kaming nagkita nito sa screening ng indie film na Layang Bilanggo. Sa ikalawang pagkaka-taon, akin na siyang nahingian ng maikling pahayag tungkol sa kanyang mga naging papel sa indie films. Sa Layang Bilanggo, isa siyang assasin na karelasyon ng isang warden at kasama ng layang bilanggo na pinangungunahan ng batikang aktor na si Pen Medina. Mahusay ang kanyang pagkaganap sa mga roles niya at makikita nating seryoso siya sa kanyang acting. Kaya naman nasungkit niya ang Best Supporting Actress sa Gawad Urian 2009 para sa  pelikulang Himpapawid, na siya rin namang first project niya simula nang siya ay nagbalik-pelikula. Ang kanya namang mga naging roles ay drug mule, teacher, hired killer, dalagang nayon, maharot, prostitute, go-vernment clerk, flight-attendant, at iba pa.

Nag-major si Sue ng Theater Arts sa ilalim ng AB Communication Arts program ng UP Los Baños. Bihasa ito sa tila ang tema ay mga pangmasa o kaya ay isang hitman. Marahil, dahilan na rin sa hasa siya sa teatro.

“Sa akin, kung ano ang hinihingi ng aking role, wala naman akong dapat tanggihan. Hindi naman ako namimili ng role at lalo ko pang paghuhusayin dahil ito ang hiningi ng pelikula.”

Kung dumating sa ‘yo ang offer para maging bida sa pelikula, okey ba sa ‘yo? “Oo naman ba! Sa akin, kung anuman ang sa ikagaganda ng ating pelikula.”

Ayon sa mga balita, nagbalik-pelikula si Sue, nagkaroon siya ng malubhang car accident nang masalpok ang kanyang sasakyan sa isang utility pole habang tinatawid ang Katipunan-Libis area. Naging malubha ang kanyang kalagayan sa loob ng ilang buwan dahil hindi siya makalakad. Kaya naman, nakasaklay siya habang nagpapagaling sa loob ng mahigit isang taon. Gayunman, hindi naging sagabal para sa kanya ang kalagayan at nagawa pang magtrabaho sa call center. Namasukan din siya bilang events manager, segment producer, training officer upang magkaroon ng pagkakakitaan bago nagpasya muling magbalik-pelikula.

Nagbunga naman ang magandang pagbabalik ni Sue kaya naman ibinilang siya ng movie reviewer na si Ria Limjap sa 10 Most Amazing Women in Film.

Nang aking makaharap si Sue, ang totoo niyan hindi ko siya nakilala. Ang sabi ko noong una, sino ba ang artistang ito at mukhang morena. Nang aking kinumusta ay kagyat itong nagpaunlak ng interview. Mabait ito at walang arte sa katawan.  Parang kung ano siya sa personal, makikita mo agad kung sino siya. Basta ang paningin ko sa kanya, isa siyang mahusay na artista ng indie at maaaring marami pa siyang tatahakin tungo sa tagumpay, maging bilang leading role sa mga pelikula.

Ang nakakatawa nga ay noong iniinterbyu ko si Sue, biglang may nagpakilalang isang writer daw kuno ng malaki raw pahayagan ang biglang sumingit, gusto marahil intrigahin siya. Habang tinatanong ko si Sue, biglang agaw-eksena ang babaeng ewan at medyo litaw ang mabibilog na boobs na lumuluwa na sa kinalalagyan, whahaha!

‘Di ko malaman kung nang-aagaw ito ng pansin, hahaha! Isip ko, naintriga kaya kay Sue dahil sa suot nitong ‘wow seksi’? Maya-maya, nagka-tinginan kami ni Sue at nagka-ngitian dahil nga sa papansin na babae na nangako pang ilalabas daw niya ang interbyu sa kanyang pahayagan, pero hindi naman binabanggit kung anong dyaryo ito.

Okey-alrayt, sige mas maputi nga siya kay Sue. Bagama’t inamin naman sa akin ni Sue na lagi siyang nagsu-swimming at bilad sa araw. Kaya marahil litaw sa mga eksena ang amazing beauty ng isa sa most visible woman ng indie film.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 118 September 16 – 18, 2011 Out Now
Next articleKontrata muna bago medical exam

No posts to display