NAGBUKAS NA naman ang pinto ng Cultural Center of the Philippines o CCP para sa mga indie film lovers para sa 8th Cinemalaya Film Festival. Isang Linggo ang itatagal nito at ang good news ay ipalalabas na rin ang mga pelikulang kalahok sa Trinoma at Greenbelt Cinemas.
Isa sa mukhang laging present sa mga Filipino film festivals ay ang beauty ni Sue Prado. Una siyang napansin sa pelikulang Himpapawid ni Raymond Red. Kalauna’y nagsunud-sunod na ang kanyang nilabasang indie films tulad ng Ganap na Babae, Layang Bilanggo, Cuchera, Teoriya at marami pang iba. Kamakailan lang ay inuwi nito ang tropeyo bilang Best Actress sa kauna-una-hang Sineng Pambansa National Film Festival sa Davao City para sa pelikulang The Boat Between Two Rivers.
At dahil Cinemalaya season na naman, inaasahan na namin na kasali siya sa ilang pelikula. Siya ang isa sa mga bida ng pelikulang Mga Dayo: Resident Aliens at Kamera Obskura ni Raymond Red. Bida rin siya sa short film na Mientras Su Durmida (As He Sleeps).
Lumabas na rin sa ilang mainstream projects ang dalaga. Ang ilan sa mga ginawa niyang mainstream films ay Thelma, Corazon at Aswang. Sa TV naman ay gumanap na rin siya sa Guns ‘n Roses (ABS-CBN), Mga Nagbabagang Bulaklak (TV5), Munting Heredera at Legacy (GMA-7).
Dahil sa dami ng kanyang mga proyekto (na siguradong dadami pa), masasabi natin na isa nang recognized person sa mundo ng Pinoy Indie si Sue Prado. Sana ay magtuluy-tuloy rin ang kanyang mainstream projects. Apir!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club