SOBRANG grateful and thankful si Sue Ramirez sa tiwalang ibinigay sa kanya ng The IdeaFirst Company owned by Direk Jun Lana and Perci Intalan para magbida siya sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi na showing on August 15.
Sambit ni Sue sa grand media launch ng pelikula, “Actually, sobang surreal yung pakiramdam. Hindi po ako makapaniwala, saka wala po akong ibang nararamdaman kundi pagiging grateful lang saka thankful sa mga challenges na naibibigay sa akin.
“Siyempre, sa dami-dami ng mga mahuhusay na artista napakasuwerte ko po talaga na nabigyan ako ng mga ganitong kakaibang proyekto.”
Kapuri-puri naman ang tinuran ni Sue na hindi daw importante sa kanya kung siya ang bida o support lang sa isang project.
“Wala naman po yon sa kung title role ka o kung ikaw ang bida dito sa isang project na ginagawa mo. Nasa iyo po yon kung anong effort yung ibibigay mo don sa trabaho na ginagawa mo.
“Siguro, more than your role po, parang dapat lang na 100 percent yung ibibigay mo. Kung hindi po hundred percent, kung kaya ko pang higitan gagawin ko po,” pahayag pa ni Sue.
Natawa naman si Sue nang pilit siyang inili-ink sa kanyang dalawang leading men na sina Markus Patterson at Jameson Blake.
“Malabo po yon kasi parang ate na nila ako. Si Markus, matagal na kaming magkaibigan. Si Jameson naman, wala kaming malisya,” natatawa niyang komento.
Hindi rin itinanggi ni Sue na constantly dating sila ni Joao Constancia ng Boyband PH. Kaya lang, iginiit niya na wala pa raw silang relasyon ng binata.
Anyway, Ang Babaeng Allergic sa Wifi is under the direction of Jun Lana. Ang pelikula ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na nasa ikalawang taon na ngayon.
La Boka
by Leo Bukas