MAKULIT, MASAYAHIN AT punung-puno ng buhay. Ganyan kung ilarawan si Sugar Mercado ng mga taong malalapit sa kanya. Iyan din ang mga katangian ng seksing dancer-comedienne na nagustuhan ni Willie Revillame, kaya naman swak ang beauty ni Sugar bilang isa sa mga bagong co-host ng variety show ni Papi na Willing Willie sa TV5.
Hindi na rin naman bago kay Sugar ang pasikut-sikot sa variety shows. Naging popular siya sa Eat… Bulaga!, kung saan madalas niya tayong paiyakin sa katatawa sa segment noong Bulagaan. At naging tila trademark na nga niya sa pagpapatawa ang madalas na pagpapaiyak sa kanya ng kanyang mga co-hosts sa very popular noontime variety show.
Kawalan ng kontrata sa Siyete ang nag-udyok kay Sugar na sumubok sa Singko nitong 2010. Kaagad naman siyang isinalang sa comedy sitcom ni Vic Sotto na My Darling Aswang at sa suspense-horror series na Midnight DJ topbilled by Oyo Sotto. Sa My Darling Aswang nga siya naispatan ni Papi Willie at nitong February 2011, ‘yun na… gabi-gabi na tayong pinatatawa at pinasasaya ni Sugar sa Willing Willie.
Hindi rin naging madali para kay Sugar ang pasukin ang mundo ng showbiz. Bilang isang true-blooded Caviteña, palaban na sa buhay si Sugar. Bunso sa apat na magkaka-patid, naninirahan lang sila ng kanyang pamil-ya sa isang bahay sa ibabaw ng babuyan na nakatayo sa lupain ng kanyang lolo sa Cavite. May pagkaka-taon pa nga raw noong bata pa si Sugar, natutulog lang ang kanyang pamilya sa tagpi-tagping bahay, at kapag bumabagyo, madalas na tangayin ng malakas na hangin ang kanilang bubong. Pero siyempre, hindi naman habambuhay na magiging ganu’n na lang ang kanilang kalagayan.
Noong high school, kasama siyang nagtu-tour ng Gen. Mariano Alvarez Technical High School Band bilang majorette. Hanggang sa noong 2001, sumali siya sa segment ng ‘TV Babe’ ng Eat… Bulaga! Hindi man siya pinalad na manalo sa contest na iyon, napili naman siya bilang bagong miyembro ng SexBomb Girls. Nagtagal din si Sugar nang may isang taon sa SexBomb.
Pansamantalang tumigil sa showbiz si Sugar para tapusin ang kanyang pagaaral sa Trinity University of Asia sa Quezon City, at makalipas ang tatlong taon, napasama siya sa MTB: Ang Saya Saya sa ABS-CBN. Nagtagal siya ng anim na buwan sa nasabing variety show, at makalipas ang anim na buwan, muli siyang bumalik sa SexBomb at sa Eat… Bulaga! Noong mawala ang SexBomb sa Eat… Bulaga! dahil sa napaulat na hindi pagkakaunawaan, nanatili si Sugar bilang regular member ng show. Nang mag-reformat ang Eat… Bulaga! noong 2007, hindi na nakabalik si Sugar bilang isa sa mga co-host nito.
Gayunpaman, nakaipon na rin naman si Sugar ng sapat na pera para maipatayo ang two-story house ng kanilang pamilya sa Cavite. Ma-rami rin naman kasing nalabasan si Sugar sa Siyete tulad ng Fulhaus at Zorro. Regular din siyang performer sa Klownz at Zirkoh comedy bars na pag-aari ni Allan K na kasamahan niya noon sa Eat… Bulaga!
Ayon pa kay Sugar, naging maganda naman ang pag-alis niya sa Eat… Bulaga! In fact, masaya nga raw sina Bossing Vic at may bago itong regular show, ang Willing Willie nga. Sinabi pa ni Sugar na wala naman siyang naging kaaway sa EB, at kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan noon, naayos na naman daw ang lahat. Ipinagmamalaki pa ni Sugar na bestfriend niya ang anak ni Tito Sotto na si Ciara Sotto.
Para nga kay Sugar, dapat lang na maging happy tayong lahat sa kung anuman meron tayo, at ang mensahe nga niya… peace… peace… peace! Kung sa bagay, hindi na naman magkalaban ngayon sa timeslot ang Eat… Bulaga! at Willing Willie… so, there’s no-thing to worry, ‘di ba?
Sa kakulitan at kakikayan nga ni Sugar… is there another Pokwang in the making? Better and more beautiful version, there is! ‘Yun na!
Photos by Joel Quijano
Ni Dani Flores
HotSeat-HotShot!