MATAGAL NA PO akong nagtatrabaho rito sa Hong Kong. At habang ako’y nandito, pumasok sa ibang relasyon ang asawa ko at ikinasal sila kamakailan lamang.
Kasal po kami ng asawa ko. Mula noon, nagkasundo kami na wala na kaming pakialaman at maaari na rin daw akong mag-asawa at ‘di niya ako pipigilan at kakasuhan. Puwede po ba ‘yun? — Gina ng Bacolor, Pampanga
KAHIT KASAL NA siya sa iba, ang kasal n’yo pa rin ang legal. Samakatuwid, maaari siyang kasuhan ng bigamy, isang krimen. At kung magpapakasal ka rin, maaari ka ring kasuhan. O baka binibitag ka lang niya?
IBANG PAMILYA ANG DEKLARADO SA SSS
Nang mamatay ang asawa ko, nag-file po ako ng claim sa SSS. Pero laking gulat ko nang malaman kong ang beneficiary niya ay ang kabit n’ya. May habol pa po ba ako at ang mga anak ko?
— Thelma ng Cagayan de Oro
PATAKARAN NG SSS na tuklasin ang may karapatan sa benepisyo. Mas may karapatan ang lehitimong asawa at anak ng namatay. Mas may karapatan kayo.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!
Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:
PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanu-ngan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)
O kaya’y mag-e-mail sa [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo