KUNG PARTY people ka o party goer pa, kahit ano pa ang tawag sa iyo, Close Up Forever Summer ang para sa inyo. Palibhasa, ang mga kabataan ngayon, punung-puno ng energy. Ayaw nila na naiiwan sa bahay. Ayaw nila na magdamagang nakaupo dahil wala silang mapapala. Sa madaling salita, madaling ma-bore ang mga bagets ngayon.
Kaya naman sa darating na ika-5 ng Abril, magandang pagkakataon ang pagdating ng Close Up Forever Summer Party.
Ang mga bagets ngayon ay napakapala-kaibigan. “Outgoing” at “extrovert” ang personalidad nila kaya nga bagay na bagay sila sa Close Up Forever Summer Party.
Ang nasabing event party ay ang kauna-unahang “crowd-sourced party” rito sa bansa. Bakit tinawag na crowd-sourced party? Ito ay sa kadahilanan na mula sa tema, sa musika, sa venue hanggang sa mga artists, binigyan ng Close Up ng pagkakataon ang mga kabataan na magdesisyon ng ikagaganda ng party.
Sa pamamagitan ng Twitter, Facebook at Instagram gamit ang hashtag na #CloseUpForeverSummer, sila ay nagkaroon ng poll para makaboto sa gusto nilang maganap at makita sa event. Ang nasabi ring party ay ini-sponsor ng Republiq, Globe Circuit Events Ground, Havaianas, Greenwich, Folded and Hung, Sunnies by Charlie, MYX, Yellow Brick Media, at Manila Concert Scene.
At matapos ang poll na naganap, maniwala man kayo o hindi, humigit-kumulang kalahating milyong katao ang masasabi nating tumulong para maiplano ang #CloseupForeverSummer.
Mula sa resulta ng poll, napagdesisyunan na gawing Electronic Dance Music ang musika sa buong party. Sa Globe Circuit Events Ground ang venue. “Freshest Beach Party in the City” naman ang naging tema. Si Alesso ang maiimbitahan bilang isa sa mga artist na mula sa International scene na magpapasaya sa event. At sina Ace Ramos, Mars Miranda, Martin Pulgar at Marc Naval naman ang tatayo bilang mga local DJs. Samu’t saring artists din ang magpe-perform dito tulad nina Helena mula Australia, at Deniz Koyu mula Turkey.
O, ‘di ba? Tingnan ko na lang kung hindi ka pa mag-enjoy sa Close Up Forever Summer Party na ‘yan. Napatunayan na nga na pulso ng mga bagets ang nanaig. Saan ka naman makakakita ng isang event ang pinagtulung-tulunganang mabuo ng kalahating milyong katao? Dito lang sa inaabangan na Summer Party na ito!
Kaya kung wala pa kayong ticket, makidalo at makisaya na sa pambansang party ng mga kabataan na magaganap sa April 5. Ang mga tickets ay mabibili mula sa SM Ticket Outlets. Ito ay nagkakahalaga ng P2,500.00 para sa Gold tickets at P4,500.00 pesos naman para sa VIP tickets. Kung gusto n’yo naman ay SVIP table reservation, kinakailangan n’yo lang tumawag sa landline nila para makapagpa-reserve.
Kung kayo ay may komento o suhestyon, maaaring mag-e-mail sa [email protected].
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo