MAGKAIBA ng calltime sina Sunshine Cruz at Kim Chiu nung March 4 para sa taping ng Love Thy Woman kung saan nangyari ang insidente ng pamamaril sa van ni Kim habang on the way ito sa taping ng afternoon series ng ABS-CBN
Kuwento ni Sunshine, “That Wednesday (March 4) may calltime din ako pero late call ako, sina Kim 6 a.m. Usually naman kasi pag marami kaming mga eksena 6 a.m. palagi ang call time namin.
“Nagulat ako, kasi medyo nagpuyat ako ng Tuesday kasi nga alam kong late call pa ako, nagising ako mga 10:30. Nakita ko yung viber group namin, yon na nga, may nangyaring ambush kay Kim. Napatayo ako kaagad, kasi not for anything, pero kasi napakabait talaga ni Kim at hindi siya mahirap mahalin.
“Last year pa kami nagte-taping so nando’n na rin yung relationship namin. Talagang very comfortable ako sa kanya, siya rin sa akin – parang anak-anakan ko na – so I was really worried for her.”
Si Sunshine ang gumaganapan na nanay ni Kim sa Love Thy Woman ng ABS-CBN. Ang pangalan ng kanyang karakter ay Kai Estrella at si Kim naman ay si Jia Wong.
Nagbigay din ng reaksyon ang aktres sa naging pahayag ng dating brodkaster na Jay Sonza na fake ambush lang ang nangyari kay Kim.
“No… ako, definitely it’s not a fake ambush,” pahayag ni Sunshine.
Patuloy niya, “Si Kim naman, she has proven herself already, napaka-low profile ng batang yan. Hindi naman siya yung mahilig sa controversies. So porke’t walang namatay, porket walang nasaktan, fake agad?
“I’m sorry but… napaka-heartless no’n. Sorry… sorry, pero nakakaawa na kasi yung nangyari kay Kim and hindi nakakatuwa for someone na isipin na ganun ang nangyari sa isang tao.”
Hanga rin si Sunshine na sa kabila ng nangyari kay Kim ay dumiretso pa ito ng taping ng kanilang teleserye.
“She is very professional. She’s a wonderful, wonderful person, wala akong masasabi sa kanya. Darating yan sa set kahit pagod siya on time, prepared pati sa script lahat. Ang daming endorsements nung tao, she doesn’t need any of that fake-fake news na yan. Hindi kailangan ng isang tao na katulad ng isang Kim Chiu ng ganyang klaseng negative issues.
“Naka-two scenes pa nga siya, so siguro ano yon, eh, hindi pa nag-sink-in sa kanya. Parang sa kanya lang she needs to be on time, hindi siya puwedeng ma-late, maraming naghihintay sa kanyang ibang artista.
“Inisip niya muna siguro na nando’n sina Christopher de Leon, Ms. Eula Valdez, ando’n lahat, so yon muna siguro ang inisip niya. I guess that’s what happened kaya nagpasundo siya agad at dumiretso siya sa taping,” paliwanag ni Sunshine.
Habang kausap namin si Sunshine sa grand opening ng Hazelberry Café sa Molito Alabang noong Sunday, March 8, ay hindi pa raw sila nagkakausap ulit ni Kim.
“Tomorrow I’ll be seeing her. Pero yon nga, nag-post ako sa Facebook na parang wag namang sabihing drawing or fake yung nangyari kasi parang pati ako nasaktan do’n,” huling pahayag ng aktres sa amin.