MASAYANG-MASAYANG IBINALITA sa amin ni Tita Dorothy Laforteza, nang tawagan namin, na nanganak na si Sunshine Dizon ng isang malusog at napakaguwapong baby boy last May 2 na pinangalanan ng mag-asawang Sunshine at Tim Tan na Antonio na kinuha raw sa pangalan ng Lolo ni Tim.
Tsika pa ng proud lola na guwapong-guwapo raw ang kanyang apo at kuhang-kuha ang maganda at maamong mukha ni Tim, at katulad daw ng ama at ina nito, makikitang lalaking matangkad si Ton-Ton (palayaw ng bata), dahil malalaki ang biyas nito.
Dagdag pa ni Tita Dorothy na malaki raw ang possibility na magbalik-showbiz si Sunshine ngayong taon, medyo magpapahinga lang daw ito at medyo magpapayat, at depende pa rin daw kung papayagan ito ng kanyang asawang si Tim.
Alam daw kasi nitong medyo nami-miss na rin ni Sunshine ang pag-arte, dahil last year nga ay nagbalak itong magbalik showbiz, at kung kailan naman daw pumayat na ay tsaka naman nabuntis. Kaya naman kailangan nitong mamahinga at hintaying makapa-nganak ‘tsaka sumabak muli sa pag-arte.
NAGSIMULA NA last Sunday ang newest game show ng TV5 hosted by Joey De Leon at Edu Manzano, ang Game ‘N Go, kasama ang magaling na host /businessman na si Arnell Ignacio na happy sa pagiging part nang nasabing show.
At kahit nga hindi siya ang main host ng show, masaya si Arnell dahil ang hosting talaga ng game show ang gusto nitong gawin, bukod pa sa sobrang close ito kay Edu Manzano na itinuturing nitong isa sa matalik niyang kaibigan.
At dahil tumama ng Father’s Day ang airing ng show last Sunday, tinanong namin si Arnell kung anong klase ba siyang ama sa kanyang nag-iisang anak na si Sofia. “Ako, you can say it’s complicated. Kasi I’m both mother and father to my only daughter, Sofia, who’s now 16, a college freshman at University of Asia and the Pacific taking up entrepreneurship, and may boyfriend na.
“Kami kasi parang magbarkada lang kami, pero alam niya kung galit na ako o okey pa. I really love my daughter, that’s why ibinibigay ko talaga sa kanya lahat ng gusto niya sa abot ng aking makakaya. Kumbaga, I give everything, my time, my life, at lahat-lahat… ganu’n ko kamahal ang anak ko, pagtatapos ni Arnell.
ISA SA pumasok sa walong pelikula para sa taunang Metro Manila Film Festival ang pelikulang El Presidente ni Laguna Governor ER Ejercito. Kuwento nga nito na kinabahan siya sa pilian dahil sa naging karanasan niya last year, na nalaglag ang pelikula niyang Asiong Salonga sa simula, pero nu’ng hindi umabot sa deadline ang movie ni Robin Padilla ay ibinalik ang movie niya.
Nilinaw rin ni Gov. ER na si Robin ang gaganap na Andres Bonifacio at hindi si Cesar Montano at hindi rin daw si Cristine Reyes ang gaganap na isa sa mga leading ladies niya.
Nangangako si Gov. ER na mas maganda at mas malaki ang pelikula niyang El Presidente kumpara sa Asiong Salonga na humakot ng awards sa mga award-giving bodies.
MULI NA namang ipakikita ni Cesar Montano ang kanyang galing sa pagho-host , pero this time ay hindi isang game show kung hindi sa isang reality artista search, kung saan makakasama nito ang isa pang mahusay sa hosting na si Marvin Agustin na from GMA-7 ay isa na ring certified Kapatid katulad ni Cesar.
Ito raw ang kauna-unahang magho-host si Cesar ng artista search via Artista Academy kaya naman excited siyang subukan ito. Tsika pa ni Cesar na napakagandang show ito ng TV5, dahil magbubukas ito ng pinto sa masuwerteng kabataang nangangarap na mag-artista at makapag-uwi ng P20 million.
Nagsimula ang paghahanap ng susunod na magi-ging important star ng TV5 at makakapag-uwi ng P20 million last June 19 na ginanap sa Smart Araneta Colliseum, kung saan dumalo rin para sa isang special on-ground show ang mga Kapatid stars na sina Martin Escudero, Empoy, Morisette Amon, Shy Carlos, Aki Torio, Joshua Davis a.k.a. Yoyo Tricker, Melbeline, Daniel Matsunaga, at ang TV5 princesses na sina Eula Caballero at Ritz Azul.
John’s Point
by John Fontanilla