HINDI RAW magdadalawang isip ang award-winning actress na si Sunshine Dizon na iwan muli nang pansamantala ang hilig sa pag-arte kapag naapektuhan na ang kanyang family life.
Tsika nga ni Sunshine na mas priority na niya ngayon ang kanyang pamilya at pangalawa na lang ang kanyang showbiz career, kaya naman daw handa niyang i-give up ang kanyang career alang-alang sa kanyang pamilya.
Very thankful ang magaling na aktres dahil sa kanyang pagbabalik-showbiz via Mundo Mo’y Akin ay binigyan siya ng GMA-7 ng cut-off sa pagtatrabaho para meron pa siyang oras sa kanyang pamilya.
Masaya nga ito dahil puro positibong feedbacks ang kanyang natatanggap sa kanyang role bilang Perlita. Bukod nga sa nasabing proyekto, may isa pang malaking proyektong gagawin si Sunshine sa Kapuso Network ngayong taon.
NAKAPANGHIHINAYANG DAHIL tinanggihan pala ng actor/producer na si Jacky Woo ang markadong role sa GMA-7 afternoon teleserye na Bukod Kang Pinagpala. Valid naman ang rason ni Jacky na baka hindi niya kayang tuparin ang maraming taping schedules ng nasabing teleserye. Ayaw niyang mabitin ang mga star at production staff ng teleserye na sanhi ng ‘di niya pagsipot sa taping. Nanghihinayang siya pero tight din ang schedules niya sa Japan sa dami rin ng commitments niya roon.
Kaya happy na siya sa paglabas-labas sa Bubble Gang at sa iba pang programa ng GMA-7, lalo na sa Party Pilipinas na minsang naging guest siya. Marami ang natuwa sa ipinakita niyang galing sa pagsayaw sa Party Pilipinas. Walang nakaaalam na may talent siya sa pagsayaw at ‘yun ang pinakagusto niya. Kaya malamang mapanood natin siya paminsan-minsan sa Party Pilipinas.
Sa mga movie project naman, abala pa rin sila sa post-production ng Death March at Ride To Love na co-prod with Regal Entertainment. Si Adolf Alix, Jr. ang director at katulong niya sa mga project na ito.
NAGING MASAYA at makabuluhan ang aming pagbabakasyon sa Batangas, kung saan kami namalagi ng apat na araw. Mula sa pagbibisita-Iglesia sa iba’t ibang simbahan sa Batangas hanggang sa pagpunta sa iba’t ibang lugar na first time naming napuntahan. Kasama sina Edwin Parungao San Pablo, Mark Jade “Marta the Explorer” Tay, Rico Vinluan Bathan at Leo “The Buffet” Fernandez.
Dito rin namin muling nakita ang aming mga matalik na kaibigan mula sa Taal na sina Kapitan Edrich Atienza, Nanay Tessie Atienza and family, Herbert Sara – ang isa sa may-ari ng 91.7 Air 1 FM, hanggang sa matalik naming kaibigan sa Puting Bato East na si Raye Bathan, Mommy Conchita Bathan kung saan kami namalagi nang ilang araw, Ate Elsie Bathan and family ,Ejade Bathan, Aries Mendoza, Alvin Atienza, Gyvz Gyvz na may-ari ng Gyvz and Gyryl Internet Shop and Computer Parts.
Hanggang sa pagpunta namin sa Luntal, Tuy, Batangas kung saan kami nag-stay ng isang araw kina Nanay Rose at Tatay Roy Balbacal. Dito namin napasyalan ang Malibu River kasama sina Hon. Roselio Troy Balbacal, Bong and Mark Anthony Maranan, Renz Andrada, John Rhey Abenoja at Junnel Mandac.
John’s Point
by John Fontanilla