MUKHANG NA-MISS na talaga ng magaling na aktres na si Sunshine Dizon ang showbiz na kanyang kinalakihan kaya naman tumatanggap na ito ng pangilan-ngilang guestings sa Kapuso Network na ang recent nga ay ang pag-pitch-in nito nang one week kay Camille Prats sa show na Mars.
Matagal-tagal ding nawala si Sunshine simula nang manganak ito ng kanilang 2nd baby na si Antonio. Hands-on mom daw kasi si Sunshine na mas gustong mag-concentrate muna sa kanyang dalawang babies at sa kanyang family. Bukod pa sa medyo nag-gain ito ng weight kaya naman hanggang guesting lang muna ang kanyang tinatanggap.
Bale by next year daw ay isang bonggang-bonggang comeback ang gagawin ni Sunshine kung saan kinakausap na siya for possible soap at ilang projects para sa Kapuso Network. Kaya naman ang mga haka-hakang lilipat ng ibang TV network si Sunshine ay mukhang malabong mangyari, lalo na ngayong nakikipag-usap na rin ito sa GMA 7 para sa mga proyektong gagawin next year.
Kung sa bagay, hindi dapat pakawalan ng GMA 7 si Sunshine lalo na’t among GMA homegrown talent, si Sunshine na lang ang nananatiling loyal, habang ang iba’y mga nag-over the bakod na, at ito lang ang tanging GMA actress na kung ilang beses na nanalo ng Best Actress sa mga ginagawa nitong shows sa GMA 7.
UNTIL NOW ay very open pa rin daw ang mabait na at very generous na si Atty. Ferdinand Topacio sa possibility na magkaayos siya at kampo ng mga Binene at hindi na umabot pa husgado ang kanilang pagkikita, kung saan nagsampa na ito ng kaso against Bea at sa mommy nito at sa ilang taong involve sa kontrobersiya sa pagitan nila.
Tsika nga ni Atty. Topacio na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan na simpleng pag-uusap lang via dinner or lunch at aaminin ng mga ito na misunderstanding lang ang nangyari ay iuurong na raw nito ang demanda.
Gusto lang naman daw ni Atty. Topacio na linisin ang kanyang pinaghirapang pangalan na dahil lang sa pagtulong sa mag-inang Bea at Carina ay siya pa ang napasama. Wala naman daw siyang intensiyong magdemanda, pero kailangan lang niyang gawin ito para na rin sa kanyang nadu-
ngisang pangalan.
SOBRANG SAYA ni Alfred Vargas dahil nakakuha ng Grade A mula sa Cinema Eva¬luation Board (CEB) ang Supremo, ang film-bio ni Andres Bonifacio, ang kanyang favorite Filipino hero na siya mismo ang bida at producer nito.
Worth it nga raw ang pagod at hirap ng buong cast and crew dahil na-appreciate ng CEB ang kani-lang project na tumagal nang 18 months ang shooting at post-production.
Marahil ay dahil na rin daw sa mahusay na pagkakagawa ng pelikulang ito at sa mahusay na performance ng mga artistang involve dito, lalong-lalo na si Alfred na hindi matatawaran ang galing bilang actor.
ISANG NGITI sabay iling ang isinagot ng Master Showman himself na si Kuya Germs Moreno sa lu-
mabas na blind item tungkol sa isang sikat na celebrity na mas pinili pa ang umatend sa binyag, kaysa dumalo sa parangal na ibinigay rito bilang isa sa magkakaroon ng star sa Walk of Fame Philippines sa Dec. 1 sa Eastwood ng 5PM.
Ayaw na lang daw pangalanan ni Kuya Germs kung sino ang sikat na celebrity, abangan lang daw sa Dec. 1 kung sino ang hindi a-attend at ‘yun na daw ‘yun. Nalulungkot lang daw si Kuya Germs dahil sa hindi pagbibigay-halaga ng ibang mga artista sa effort niya na mabigyan ng importansiya ang mga katulad niyang artista through Walk of Fame Philippines na katumbas ng Walk of Fame Hollywood.
May isa pa nga raw aktres na pagkatapos um-oo ay bigla na lang nagka-show sa Dec. 1, samantalang ang isa pang controversial actress ay may taping naman daw, samantalang nu’ng nagsisimula ito ay si Kuya Germs ang unang tumulong dito.
Ano nga ba naman na kahit kalahating oras lang ay dumaan ang mga ito sa Dec. 1 sa Eastwood para sa unveiling ng kanilang star at pagkatapos ay puwede nang umalis at magtungo sa kani-kaniyang lakad. Pero mukhang hindi uso ito sa ibang artista. Kaya nga payo namin kay Kuya Germs na next year, alamin muna ang mga a-attend na artista, bago bigyan ng sariling star sa Walk of Fame Philippines, ang ayaw umatend ‘wag nang bigyan, ‘di ba?!
John’s Point
by John Fontanilla