Nakikiusap ang mahusay na aktres na si Sunshine Dizon sa mga namba-bash sa bagong cast ng “Encantadia”.
Post nga ni Sunshine Dizon sa kanyang Twitter account na @shinedizontan: “Let us not be quick to judge and avoid using hurtful words. Instead, let’s celebrate that we are all lucky to witness the magic again.”
Nang i-announce na ang mga bagong cast of characters, isa rin si Sunshine sa nagpakita ng excitement at pagsuporta sa bagong “Encantadia”.
Una niyang binati si Glaiza na siyang magre-remake ng dati niyang karakter bilang si Pirena. At ang ibang naging Sangre, “Congratulations to the new sangres, hasne ivo live encantadia!”
Binati rin nito ang mga co-artists sa PPL Entertainment, Inc. na sina Rochelle Pangilinan at Carlo Gonzales na kasama rin sa cast.
Tweet pa nito, “Congratulations @SuziDoctolero grabe goosebumps ko, the magic is still there. Thank you sa mga encantadiks.
“Lets all support the new cast members of ENCANTADIA, I’m pretty sure it will be great!”
John’s Point
by John Fontanilla