Sunud-sunod na bayarin sa mga eskuwelahan!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED

Irereklamo ko lang po ang Alamada Central School sa Alamada, North Cotobato dahil pinagbabayad kami ng miscellaneous fee at kung anu-anong project sa school. Ang hindi makapagbabayad ay tinatakot na hindi nila ibibigay ang card ng anak.

Iko-complain ko lang po ang Mintal Elementary School dito sa Mintal, Davao City dahil mangongolekta sila ng P100.00 bawat estudyante para pambili raw ng stand fan. Sana po ay matulungan ninyo kaming mga magulang.

Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na rito sa Captain Jose Cardones Elementary School sa Taguig ay naniningil sila ng tig-P100.00  sa mga anak namin para raw pambili ng aircon.

Idudulog ko lang po ang problema namin sa inyo dito isang public school dahil may pinababayaran sa amin na P1,000.00 bawat estudyante. Dito po kami sa Quirino Province.

Hihingi lang po sana ako ng tulong tungkol sa school ng anak ko rito sa Dasmariñas 2 Central School sa Dasmariñas, Cavite dahil grabe po kasing laki ng PTA project nila. P400.00 ang sinisingil sa bawat estudyante para pambili raw ng 32-inch LED TV, locker, electric fan, at kurtina. Yearly po ang paniningil nila sa mga bata.

Ire-report ko lang po ang Carlos F. Gonzales High School sa San Rafael, Bulacan dahil naniningil sila ng P440.00 sa bawat bata. Gagamitin daw iyon sa pampagawa sa nasirang pinto ng silid-aralan, pampasahod sa mga guard, janitor, at traffic enforcer na nagpapatawid sa mga bata.

Ilalapit ko lang po sana sa inyo na rito sa Sta. Maria, Mexico, Pampanga dahil may bayad po na P450.00 para entrance fee sa isang public school. At naniningil din sila ng P1,000.00 para sa libro.

Ilalapit ko lang po ang problema namin dito sa San Jose, Pili, Camarines Sur dahil ang mga basura ay hindi na nakokolekta ng truck ng basura. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

Hihingi lang po kami ng tulong na sana po ay mabigyan ng aksyon dito sa Sitio Pag-asa, Brgy. Sun Valley sa kadahilanang hirap po kaming mga bulag sa pagbaybay ng aming daraanan dito sa Creek. May daanan naman pong malapit pero isinasara na ng 7:00 pm na hindi naman po namin magawa dahil lumalabas kami sa aming trabaho ng bandang 9:00 pm na.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMayor Richard Gomez, tutok muna sa paglilingkod sa Ormoc City katuwang ang misis na si Congw. Lucy Torres-Gomez
Next articleCoco Martin, gustong mag-guest sa kanyang teleserye sina Sharon Cuneta at Vice Ganda

No posts to display