Sa totoo lang, super aliw kami sa pelikulang “Foolish Love” ni Direk Joel Lamangan. Romcom ang peg ng pelikula na pinagbibidahan nina Angeline Quinto at Jake Cueca at ang bagong tambalan nina Miho Nishida at Tommy Esguerra.
Kapag romcom kasi, gusto kong emote ang pelikulang pinanonood ko tulad sa mga pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo o ‘di kaya’y ang latest nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Pero sa pelikulang “Foolish Love”, naaliw ako sa bidang si Angeline na bagay sa role niya na loveless at searching ang status. Very natural ang acting ng singer-comedienne. Very Angge, ‘ika nga, tulad sa mga dati niyang pelikula noon.
Aliw ang short na eksena nina Jayson Gainza at Ejay Falcon.
Kaloka ang eksenang paghahanap ni Virginia (as in virgin pa) played by Angeline sa childhood sweetheart niya na si “Rey dela Cruz” na super laugh trip ako.
Magaling ang timing ni Angeline sa comedy. Bagay sila ni Jake sa role ng misteryosong karakter at madi-discover mo na lang sa bandang huli kung bakit ganu’n siya at kung bakit nangyari ang ganu’n sa lovelife nila nila Angeline sa pelikula.
Sa premiere night na isinagawa last Tuesday night (January 24) sa SM Megamall, pinatunayan ng love team nina Miho at Tommy ang lakas ng hatak sa fans.
Sa mga kissing scene ng ToMiho, ang fans, tilian at sigawan na sa “Foolish Love” ay nakabuo ng bagong goldmine sa tambalan kung maaalagaan lang.
In fairness, guwapo at appealing si Tommy, marunong siyang umarte kumpara sa isang baguhang dancer na super “bano” kung umarte sa harap ng kamera at overrated pa.
Si Miho, bagay sa love team nila ni Tommy. Dapat i-push pa ni Miho na maayos ang pagta-Tagalog niya dahil nadudulas pa ang dila niya sa puntong Bisaya. ‘Di ko alam kung saan sa Visayas region ang dalaga. Dapat gawan ng paraan ng manager niyang ni Jovan dela Cruz ang kakulangang ito.
Personally, I enjoyed watching “Foolish Love” na nagsimulan nang ipalabas ngayong araw, Wednesday, sa mga sinehan nationwide.
Basta ako, nabaliw sa love story nina Angeline at Jake at kinilig naman sa ToMiho.
Reyted K
By RK VillaCorta