Super-palpaks

AMININ, CERTIFIED SUPER-PALPAKS ang three-headed Communications Group ni Pangulong Noynoy. Araw-araw, kaliwa’t kanan ang hambalos ng batikos. Daming magagandang balita at pangyayari sa gob-yerno subalit hindi nila maiparating at maipaliwanag sa tao. Resulta: pababa nang pababa ang survey ra-tings ng Pangulo. Consensus ay do-nothing President siya. Mabigat.

Isa isahin natin. Guys, walang personalan. Trabaho lang. Secretary Ricky Carandang. ‘Di iilan ang may opinyon na ang kanyang tanging credential ay slang accent. Karamihan sa kanyang mga statements ay out of target, no substance kahit katiting.

Si Senate President Enrile mismo ang nag-advice kay Carandang na tumigil sa sobrang pagkadaldal sa Spratly isyu.  Sensitibo, if not explosive ang isyu na konting pagkakamali sa statements ay lalo pang magdudulot ng serious strains sa RP-China relationship. “Dapat DFA Secretary lang ang magsalita. Anong muwang ni Carandang? May gatas pa sa labi,” ayon kay Enrile.

Natural, si Carandang ay laging bihis ng spic-and-span. Guwapong magdala ng amerikana with appropriate matching ties.  Personable. O, Ricky, ‘di ba positive naman to sa ‘yo?

At si Secretary Sonny “Kukurukuku” Coloma. Anong pinapapel ng gabineteng ito? Mga departamentong sa ilalim niya, laging nag-aaway. Ang NPO talamak sa korapsyon. Ni katiting walang contribution sa communication program ni P-Noy.

Si Coloma ay isang academician at technocrat. Nakasama ko siya sa Malacañang nu’ng panahon ni dating Pangulong Erap. Zero ang alam niya sa workings ng media. Mahilig pumapel sa mga interviews. Subalit tulad ni Carandang, bawat bagsak ng salita ay nakakaperhuwisyo kay P-Noy.

Komento ng karamihan. Si Coloma ay walang media o PR sense upang pa-kisamahan at mag-relate sa mga pangangailangan ng media. Exit na, Sonny.

Pag-usapan natin ang isang saling-pusa. Si Deputy Spokesperson Abigail Valte. Kagaya ni Coloma at Carandang, specialist sa motherhood statements na idinadaing ng Malacañang Press Corps. Puro de kalendaryo, walang in-depth analysis ng situations and events. Sa regular presscon, inaantok ang mga peryodista. Nakatingala na lang sa kisame at nagbibilang ng butiki.

Pinaglihi ‘ata si Valte sa mikropono. Dada ng dada. Tsismis ng tsismis. Ka-tulad ‘ata ng isang kontrobersiyal na senadora. Walang katuturan ang pinapahayag. Kalimitan, sinasalungat pa niya ang kanyang boss.

Subalit, wow, nagparetoke o nagpamake-over ‘ata ng mukha si Deputy Spokesperson. Gandang-ganda niya. Sexy at alluring. Courtesy ba ni Vicki Belo?

Masakit na hambalos sa tatlo. Ngunit dapat nilang tiisin at sumagot. Kasama ito sa kanilang teritoryo. Ang mapikon, talo.  Cheers, super-palpaks!

PASALAMAT KAY VP Binay at DFA sa mabilis na tulong kay Angelica Sayas, isang OFW na napalaya nila sa isang kulungan sa Dubai. Nabalita rin na ang dalawang Arabong nagnakaw at nag-rape kay Angelica ay nahuli na at kasalukuyang nililitis.  Si Angelica ay anak ng isang mahirap na labandera sa San Pablo, Laguna. Salamat din kay Sol Aragones ng TV Patrol sa tulong.

Pinuntahan ko kamakailan ang ina ni Angelica at pinakiusapan kong sa pamamagitan ng cellphone ay magpasalamat nang personal kay VP Binay. Sabi ni Binay, “It’s one of my jobs.” Si Binay ay isang asset sa administrasyon. Huwag siyang mag-alala kung medyo bumababa ang rating niya. Kami ni VP ay matagal nang magkaibigan, way, way back in PWU where we were both professors in the early 80s. Take a bow, sir!

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleNakamkam ang minanang lupa
Next articleAng dispalinghadong ombudsman at ang jueteng ni Aging

No posts to display