TIGNAN MO nga naman ‘tong buwan ng Pebrero, mas kaunti ng isa at dalawang araw sa ibang pang mga 11 na buwan pero mga kaganapan naman ay jampacked! Bukod sa pagiging love month, ipinagdiwang din sa buwan na ito ang Chinese New Year. Matatandaang noong nakaraang taon, sagana tayo sa holiday at long weekend kaya naman ngayong taong 2016, halos lahat ng national holiday ay natapat na ng weekend. Pero sa buwan din ng Pebrero, may dalawang araw agad ng holiday. Kaya naman isa na talaga ang buwan ng Pebrero sa paboritong buwan ng mga bagets lalung-lalo na’t sasamahan mo pa ng Superbowl 50. Saan ka pa?
Ang Superbowl 50 ay ang pinakamalaking sports event sa Amerika. Higit pang mas espesyal ang Superbowl ngayon dahil nagdiriwang sila ng golden anniversary. Ito ay isang American football event. Sa season ngayon, dito magkakaalaman kung sino ang magiging kampeon ng National Football League (NFL) of 2016. Bilang golden anniversary ngayon, kay raming golden-themed initiatives ang ginawa ng Superbowl committee. Sa katatapos lang na game noong Pebrero 7, nagwagi ang Denver Broncos sa iskor na 24-10 laban sa Carolina Panthers. Ito na ang kanilang ikatlong Superbowl title. Ito ay ginanap sa napakalawak na Levi’s Stadium sa San Francisco Bay Area, Santa Clara, California.
Bukod sa championship game, isa rin sa pinakaaabangan ang half-time performance ng mga bigatin at sikat na sikat na artists! Ito rin ang dahilan ng mga bagets kung bakit sila nanonood ng Superbowl. Kung minsan pa nga, ito ang mas pinanonood ng iba kaysa sa game mismo. Lalo na ngayon, kanilang golden anniversary, paniguradong intense ang half-time performance na magaganap!
Wala pa ngang half-time performance, pasabog na kaagad ang opening ng Superbowl 50. Si Lady Gaga ang kumanta ng pambansang awit ng Amerika. Litaw na litaw ang ganda at galing ng vocals ng nasabing multi-awarded artist. Sa half-time performance naman, sinimulan ito ng Coldplay! Mistulang naging makulay na kaleidoscope event. Sasamahan mo pa ng isang Bruno Mars! At siyempre hindi mawawala ang pasabog performance ni Queen B na si Beyonce Knowles. Akalain mo nga naman, napagsama-sama ng Superbowl 50 ang tatlo sa music icons sa buong mundo! Pasabog talaga! Para pang dance showdown sina Bruno Mars at Beyonce. Nag-jamming pa ang tatlo sa dulo ng kanilang performance. Squadgoals, ‘di ba?
Ang kinagandahan pa sa Superbowl 50, mga kababayan natin ang nagpakitang gilas dito! Siyempre, alam naman natin na half-Pinoy si Bruno Mars. Proud na proud din siya sa kanyang Pinoy blood. At, ang pride ng Pinas na si Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach nagpabilib agad sa kanyang hosting at reporting skills. Siya ay napiling correspondent ng Superbowl 50.
Kaya naman, lakas maka-proud Pinoy ng Superbowl 50. Bukod sa pinanonood mo ang iyong paboritong football team, solve na solve ka pa sa mga pasabog na performances ng mga music icons. Pinabilib ka pa ng mga kapwa Pinoy natin.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo