MAY KALAKASAN ang buhos ang ulan last Friday afternoon nang dumayo kami sa SBMA in Olongapo City para dumalo sa 1st Subic International Film Festival.
Yes, nai-launch na rin sa wakas after almost six months of preparation ng dalawang film festival directors na sina Arlyn dela Cruz-Bernal (News Director of DZIQ and director of a couple of Independent films) and Vic V. Vizcocho Jr. (Journalist and former DZMM reporter) sa pagbubuo ng naturang regional film event.
Sa event na dinaluhan namin, all-out ang suporta ng Ayala Harbor Point Mall management; SBMA; the local government of Olongapo City at sa mga film producers and directors na gusto maging successful ang SBIFF (Subic Bay International Film Festival).
Ang naturang filmfest ay magpapalabas ng six official entries na napagpilian nina Dela Cruz-Bernal, Vizcocho at ng film director na si Elwood Perez.
Sa mga official entries ay mapapanood ng publiko ng libre, kabilang ang mga pelikulang Bhoy Instik by Joel Lamangan, Balatkayo by Neil Buboy Tan; Araw sa Likod Mo by Dominic Nuesa; Isang Hakbang by Mike Magat; Rolyo by CC Woodruff Jr. and Old Skool by Cia Hermosa-Gorge.
SBIFF will officially start this coming Friday (June 22) until Sunday (June 24) kung saan magkakaroon awarding ceremony na magaganap sa Harbor Point Mall Activity Center at 7:00 PM.
Reyted K
By RK Villacorta