FROM SUPPORTING ACTOR TO LEADING MAN: Neil Ryan Sese, hindi inaasahan na darating ang suwerte

Neil Ryan Sese

TOTAL CHANGE OF IMAGE ang magiging role ni Neil Ryan Sese sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng GMA Kapuso Network  sa napakalaking break niya sa television via “Ang Forever Ko’y Ikaw” na magsisimula na magpa-pilot telecast this coming Monday, March 12.

Hindi niya inaasahan na darating ito sa kanya na kadalasan, ang mga role ni Neil sa mga palabas ay kung hindi barumbado or rapist ay siya ang bad character na kaaway ng bida.

Suwerte ni Neil na kung ilang taon din nagpaka-supporting actor sa mga teleserye noon na kaaway ng bida.

Isang malaking big break ito sa career niya. “Akala ko nagbibiro sila (GMA). Kasi sanay ako sa mga role ko na salbahe, bastos, mamamatay-tao, rapist… basta kontrabida and happy ako sa mga gano’ng roles kasi I find it more challenging,” who plays the role of Lance na mae-encounter naman ni Ginny played by Camille Prats.

Tanong nga niya sa mga taga-GMA nang i-offer sa kanya ang role: “Pero noong ibigay sa akin ang role na ito, parang ‘Serious ba kayo?”

Camille Prats and Neil ryan Sese

Sa trailer na napanood namin, cute ang mga eksena nila. Parang serendipity na dahil isa isang punit na envelope or sulat na nilipad ng hangin at napasakamay ng aktor ay doon nagsimula ang kuwento ng pag-ibig nila ni Ginny na isang single mother sa anak na si Marione played by Ayra Mariano na love interest naman ni Bruno Gabriel portraying his son Benjie.

At 38 years old, hindi pa huli para bumida sa isang serye. Suwerte ni Neil at dumating din sa wakas ang hinihintay niyang break.

Ang morning serye na magsisimula sa Lunes ay pre-programing ng noontime show ng GMA na Eat Bulaga na susuportahan nina Odette Khan, Archie Alemania at Cai Cortez sa direksyon nina Tata Betita at Jojo Nones.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSA 2019 ELEKSYON: DINGDONG DANTES, SASAPI SA LIBERAL PARTY?
Next articleAYAW PAG-USAPAN: Sam Milby, inililihim ang rason ng hiwalayan nila ng girlfriend

No posts to display