SURPRISINGLY GOOD: “Meant to Beh” nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, family movie na dapat tangkilikin!

MEANT TO BEH Official Poster

AMININ NA NATIN: Maraming Pinoy moviegoers ang nagrereklamo sa mga pelikulang inilalabas ni Vic Sotto tuwing MMFF. Yes, they’re entertaining dahil sa presence ng usual Eat Bulaga stars at slapstick comedy, pero usually ay tadtad din ito ng mga product placements at kung anu-anong hanash.

Ibahin ninyo ang entry this year ni Bossing Vic na “Meant to Beh”.

Isa ako sa mga batang lumaki na nakaugalian nang manood ng Vic Sotto movies at nakarelate sa karakter ni Aiza Seguerra sa kanilang father-daughter movies & TV shows before. Lumaki rin ako na laging pinapatugtog ng mga magulang ko ang VST & Co. kaya ganun ko na lang ka-lodi si Bossing.

Sa past years ay nahihiya akong aminin na gusto kong manood ng Vic Sotto movie dahil laging kulang o halatang minadali ang output.

This year ay ibang-iba ang Meant to Beh. Sa totoo lang, ito ay bonggang upgrade!

Kung nakapaglabas lang siguro sila ng matino-tinong trailer na bawas ang nakakarinding theme song ay sure ako na mas marami ang nanood ng pelikula sa first day pa lang.

Medyo slow ang first part ng istorya sa pag-establish ng difference ng karakter nina Vic bilang “jologs” at ni Dawn na prefers finer things in life. Kalaunan ay makikilala rin natin ang kanilang mga anak: JC Santos is the nerdy kuya, Gabbi Garcia is the totomboy-tomboy na ate at si Baeby Baste naman ang naughty kid craving for attention. Maganda ang chemistry nila bilang pamilya at parang gusto mo na lang yakapin si Baste sa mga drama scenes niya. Gusto mo naman siyang kurutin sa pagiging sutil.

JC Santos , Baeby Baste and Gabbi Garcia

Perfect na perfect din sina Andrea Torres at Daniel Matsunaga bilang “other parties”. Hindi kasi ginawang masama ang mga karakter nila kaya at maayos ang kanilang pagganap. Sana ay mabigyan si Andrea Torres ng sarili niyang pelikula next year. Mas nag-improve naman si Daniel Matsunaga compared sa pelikulang nilabasan niya last month na “Fallback”.

Pleasant din ang special participation nina Ruru Madrid at Sue Ramirez bilang love interests ng mga bagets.

Sa tingin ko, kahit na through script ang basehan ng pagpili ng MMFF ay makakapasok pa rin ang Meant to Beh. Maganda kasi ang pagkakatahi ng family aspects ng movie at relatable lalo na sa mga bagets na torn between families na nasa verge ng paghihiwalay.

May mga eksena na pang-comedy lang ako na hindi nagustuhan, pero hindi siya gaanong big deal. Kahit tanggalin mo ang mga ‘yun ay kaya pa rin ng pelikula to stand on its own.

Direk Chris Martinez, JC Santos, Dawn Zulueta and Vic Sotto of Meant To Beh

Kudos to Chris Martinez for coming up with such concept for Bossing Vic. Tingin ko naman ay lahat ay gustong magbigay ng “quality” movie sa mga manonood tuwing MMFF. Sana ay siya ulit ang kunin for their entry next year or at least someone new with a more fresher perspective.

Pagkatapos ko ngang manood ng pelikula ay may nakita akong mga bata na niyakap ang kanilang parents after watching the movie.

Palabas pa rin ang Meant to Beh sa mga sinehan nationwide. Sana ay lalo itong tangkilikin ng mga manonood para maenganyo pa ang mga Pinoy to support and give Vic Sotto another chance.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleKALURKEY AT KABALIW: 65TH FAMAS NAIRAOS NA WALANG NAKAKAALAM
Next articleKIMXI HOLIDAYS: Kim Chiu at Xian Lim, bongga ang Christmas vacation!

No posts to display