Susan Roces, ‘di maitago ang paghanga sa pagsasa-TV ng pelikula ni FPJ

Susan-RocesHINDI MAITAGO ng tinaguriang Queen of Philipppine Movies na si Ms. Susan Roces ang sobra-sobrang paghanga sa magandang pagkagawa ng TV adaptation ng iconic movie ng kanyang yumaong esposo na si Fernando Poe, Jr. na Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin at magsisimulang mapanood sa Sept. 28, mula sa direksiyon nina Avel Sunpongco at Malu Sevilla at hatid ng Dreamscape Entertainment Television.

Tsika nga ni Ms. Susan, “Napahanga talaga ako sa paggawa ng pagsasa-telebisyon ng Ang Probinsiyano, ang ganda-ganda niya. ‘Yung role na ginagampanan ko rito ay bagong dagdag na character sa original na pelikulang Ang Probinsyano, dahil wala ito sa pelikula.”
Dagdag pa ng Queen of Philippine Movies, “Ipinagkatiwala ng Da King ang lahat ng kanyang pelikula sa FPJ Productions sa ABS-CBN President at CEO na si Charo Santos-Concio.”
Justine-Lee-Mary-Joy-ApostolWebserye na The Last Chance, patok na patok sa mga kabataan

 

HIT NA hit ngayon sa YouTube ang webseryeng Dairies: “The Last Chance” na pinagbibidahan nina Justine Lee at Mary Joy Apostol mula sa direksyon ni Chrysler Malinay at hatid ng SMAC TV Productions.
Marami na nga ang nahuhumaling sa love story nina Justine at Mary Joy, kaya naman libu-libo na ang nanonood nito sa Youtube, kung saan lahat ng nakapanood nito ay puro positibo at magaganda ang nagiging komento.

Si Justine, isang certified Gawad Kabataan ambassador kasama ang Kapamilya actor na si Teejay Marquez, samantalang si Mary Joy naman ay minsan na rin namang napanood sa indie film.

Marami na rin ngang naaadik sa tambalang Justine at Mary Joy (o Just Joy) at nag-aabang na ng susunod na kabanata ng pag-iibigan ng dalawa sa The Last Chance.

Pinky-FernandoGood health, wish ni Pinky Fernando ng Fernando’s Bakeshop and Cake sa kanyang kaarawan

“GOOD HEALTH! Siguro ‘yun, lang ang wish ko para sa birthday ko.” Ito ang pahayag ni Tita Pinky Fernando-Ramos ng Fernando’s Bake Shop and Cakes sa kanyang kaarawan.
“Sabay kasi kami ni Kuya Germs na nagkasakit last year. Mabuti na lang pareho na rin kaming unti-unting nakare-recover, kaya nga nagpapasalamat ako sa Diyos.
“Wala na siguro akong mahihiling pa sa Diyos… good health lang talaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay.”
Isa si Tita Pinky sa maituturing na pinaka generous at loveable kaya naman mahal na mahal siya ng mga taga-industriya.
Kaya naman mula sa Pinoy Parazzi at sa aming editor, happy happy birthday Tita Pinky Fernando!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBukambibig 09/23/15
Next articleJohn Prats, kayod-marino para sa binubuong pamilya

No posts to display