GUMAWA NG para-an ang Queen of Philippine Cinema na si Miss Susan Roces na dumalo sa premiere night ng Sta. Nina ni Coco Martin na kasamahan niya sa teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan, last Juy 24.
Gaano kaya siya ka-supportive sa mga independent films? “From the very beginning, very supportive kami sa indie films because, actually ang mga unang indie film, ‘yung mga produced ng mga artista, FPJ (Fernando Poe, Jr.), Joseph (Estrada), ni Dolphy. Nu’ng natapos na ang mga kontrata nila sa major studios, sila ang nagsimula. Naayon sa panlasa nila at sa pakiramdam nila na magugustuhan ng mga manonood.”
May nagawa na ba siyang indie movie before? “Wala pa. Karamihan ng mga ginawa ko kasi, nu’ng simula ng aking career ay sa major studios. So, studio-produced ‘yun, at base sa mga panlasa ng mga manonood nu’ng panahong ‘yun, more entertaining films.”
Sa ngayon kaya, handa na siyang gumawa ng isang indie film? “Palagay ko sa mga bawat artista sa ngayon, we are all looking forward, na makagawa kami ng indie movie.”
Meron kaya siyang ini-aim na tema o plot para sa isang indie sakaling gagawa na siya? “Ah bilang artista, siyempre, mga roles na hindi ko pa nagagampanan at naaayon sa edad ko ngayon. Kasi hindi ko na ‘ata mapo-portray ‘yung hindi na nababagay sa edad ko.”
Dugtong pa niya, “Bawat artista naman, merong roles na gusto nilang gampanan, dahil ang buhay ng tao nag-iiba-iba, nagbabago sa paglipas ng panahon. Kaya hindi mawawalan ng role na gusto mong gampanan. Ako sa ngayon, gusto kong i-project naman ang mga senior citizen na hindi lang basta sa bahay na lang na walang ginagawa, naghihintay na lang ng panahon kung kailan sila kunin ni Lord. Gusto kong i-project ‘yung totoong senior citizens sa ngayon na nakahanap ng bagong kalayaan, dahil napag-aral na niya, napagtapos na niya ang kanyang mga anak. So, panahon na para isipin naman niya kung ano naman ang gusto niyang gawin sa sarili niya. ‘Yun ang kinalalagyan ko sa kasalukuyan. na naggagawa ko na ‘yung mga bagay na gusto kong gawin, (na) sana nu’ng aking kabataan, pero dahil sa pangangailangan siyempre, nag-prioritize ako at inuna ko muna ‘yung aking mga obligasyon bilang anak, bilang asawa, bilang kapatid. Ngayon naman para sa sarili ko.”
Kaarawan ni Manag Inday noong July 28, tatlong araw matapos naman ang ika-84 na birthday sana ng kanyang kaibigang si Dolphy. Ano kaya ang birthday wish niya sa kanyang kaarawan? “Wala akong tanging wish, kundi maging healthy at maging independent na hindi ako umaasa na may aakay sa akin, ‘yun naman ang indie ko.”
NAMATAAN DIN namin ang magkaibigang Pops Fernandez at Aiko Melendez sa said premiere night. Isang maiksing panayam ang pinagbigyan ng magkaibigan sa amin.
Bungad ni Aiko, “We want to watch Coco, and we’re here to support entries sa Cinemalaya. At first time kong manood dito ng mga entry.”
Dagdag naman ni Pops, “First time kong makapanood sa Cinemalaya, kaya na-e-excite ako.”
May balak din ba silang gumawa ng indie movie in the future? Saad ni Aiko, “We’re planning, siguro I’ll be part of it. She’s (sabay turo kay Pops) my line producer.”
Alam naman ng lahat na hindi na masyadong aktibo si Pops sa kanyang singing career, mas pinagtutuunan nito ang kanyang mga negosyo. Kamakailan lamang ay nag-produce ito ng celebrity golf tournament for a cause. So ibig bang sabihin nito ay pinaninindigan na niya ang kanyang pagiging producer? “Trying, tingnan natin.” Pagsang-ayon nito.
Kuwento pa ni Aiko, suspense-drama raw ang nais nilang gawin ‘pag maayos na ang lahat. Kaya naman daw nagpapayat na talaga siya para sa gagawing movie.“Nagpapayat talaga ako, kasi gagawa ako ng movie ulit, may new soap din. So, I have to get back in shape again.”
Inusisa rin namin kay Aiko ang napapabalitang may bago raw itong dini-date sa ngayon, pero diin nitong tanggi sabay tawa, “Si Pops ang bago kong lovelife, she should know.”
Sa nakarating na kuwento sa amin, ang bago raw idini-date ni Aiko ay isa raw miyembro ng isang banda, na nakarelasyon na rin ng ilang mga celebrities. Pero, parang clueless si Aiko sa issue. “Parang wala namang ganu’n.”
Wala raw talaga siyang lovelife sa ngayon pati ang kanyang kaibigang si Pops. Kuwento pa ni Pops, “Kaya kami magkakasama ngayon, obviously, kami na lang muna ang magdi-date.”
Na sinundan naman ni Aiko ng, “We’re taking our time this time around.”
Pabiro namang sabat ni Pops, “Ako, I’m not taking my time, pero wala lang talaga.”
Sa tanong namin kung okay ba sa kanila na tatanda silang dalaga, nagkatawanan lang ang magkaibigan. Tugon ni Pops, “Nowadays, there is no such thing naman ‘di ba, it doesn’t really matter.”
Pagtatapos naman ni Aiko, “Age doesn’t matter no, when you’re in love, you’ll gonna be in love with the right person, in the right time, no age requirements.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato