Sustento sa Anak sa Labas

Dear Atty. Acosta,

AKO AY isang anak sa labas sapagkat ang ama ko ay may pamilya na noong nabuntis niya ang aking ina. Sa kadahilanang ito, nahihirapan akong hu-mingi ng sustento sa kanya dahil pinagbabawalan siya ng kanyang asawa na magbigay ng pera sa akin. May karapatan po ba ang misis niya na pigilan ang pagbibigay ng sustento, gayong alam kong may sariling ari-arian at negosyo ang aking ama?

Jas

 

Dear Jas,

ANG SUPORTA, ayon sa Artikulo 194 ng Family Code ay binubuo ng lahat ng pangangailangang may kaugnayan sa “sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.” Ayon sa Artikulo 204 ng Family Code, the person obliged to give support shall have the option to fulfill the obligation either by paying the allowance fixed, or by receiving and maintaining in the family dwelling the person who has a right to receive support. The latter alternative cannot be availed of in case there is a moral or legal obstacle thereto”. Samakatuwid, ang pagbibigay ng suporta sa taong may karapatang tumanggap nito ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng fixed allowance o pagpapatira sa bahay ng taong may responsibilidad na magbigay ng suporta at pagbibigay ng kanyang mga pangangailangan. Ngunit hindi maaaring piliin ang pagpapatira sa bahay kung may moral o legal obstacle na kaakibat nito, kagaya na lang ng sitwasyon mo kung saan ay may legal na asawa at pamilya ang iyong ama.

Walang karapatan ang misis ng iyong ama para pigilan ang pagbibigay ng sustento sa iyo dahil ikaw ay may karapatang tumanggap ng suporta bilang isang anak. Ayon sa Artikulo 105 ng Family Code, ang magulang ay may obligasyon upang magbigay ng suporta sa kanilang anak, lehitimo o hindi lehi-timo. Sa pagkakataong ito, ang exclusive property o solong ari-arian ng magulang ang sasagot sa suportang ibibigay sa hindi lehitimong anak. Kung saka-

ling walang solong ari-arian ang nasabing magulang, ang bahagi niya sa absolute community property o conjugal property ng mag-asawa ang sasagot sa sustento ng nasabing anak. Maibabawas ang suporta sa bahaging maibibigay sa magulang sa oras na hahatiin ang ari-arian ng mag-asawa. Ilan sa mga kaganapan kung saan ay mahahati ang ari-arian ng mag-asawa ay kung pareho o isa sa kanila ay patay na o kung ang kasal nila ay napawalang-bisa (Artikulo 197, Family Code). Sa iyong kaso, ang suporta na ibibigay ng iyong ama ay manggagaling sa solong ari-arian niya o sa negosyo niya ayon na rin sa nabanggit na batas.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. Ang payong legal namin ay maaaring mabago kung madadagdagan o mababawasan ang mga nakasaad sa iyong salaysay.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleBarya
Next articleSino si Police Chief Inspector Francisco Islaw?

No posts to display