MASAYA pa ring sinalubong ni Joem Bascon ang 2020 sa kabila ng pinagdaanan nila ng non-showbiz girlfriend niyang si Crisha Uy.
Aniya, “Happy pa rin naman ako na marami akong blessings this year. I’m very happy rin na napapalibutan ako ng mga supportive at mga nagmamahal na mga kaibigan sa akin. Sa lahat ng ginawa kong pelikula nagkaroon ako ng love, binibigyan nila ako ng suporta offcam.
“I’m just happy na even though may pinagdadaanan ako nirerespeto nila kung ano yung pinagdadaanan ko. And I guess, makakalagpas naman ako for 2020, na mahaharap ko siya nang maayos with all the people around me.”
Hindi na-imagine ni Joem na mangyayari din pala sa kanya yung paniniwala sa showbiz na kapag maganda ang takbo ng career ng isang artista ay hindi magiging successful ang love life nito.
“Oo nga. Hindi ko nga alam na biglang nangyari… bigla palang nangyayari talaga yon,” natatawa niyang reaksyon.
“Akala ko puwede talagang makuha yung both success, both worlds. And it really happens, eh, that’s the reality of life. And I’m gonna face it like a man kung anuman yung consequences at dapat pagdaanan. Kailangan ko lang siyang tanggapin at dapat maayos at respectful yung pagharap ko or pakikitungo kung anuman yung mangyayari.”
Ano ba ang ipinagpapasalamat niya sa nagdaang 2019?
“I’m happy with all the films na ginawa ko dahil nabigyan ako ng chance to portray different roles and characters. Nagkaroon ako ng mga bagong friends na nakilala at naging barkada ko with Starla, Culion, Write About Love. I’m happy na ang dami kong nakilala at nakausap na tao.
“Happy rin ako na healthy pa rin ako kahit na rumaratsada ako sa mga pelikulang ginagawa ko. Minsan lang nga daw nangyayari itong mga ganitong bagay and I’m just very grateful and happy doo’n sa nangyari sa akin, even though yon nga, hindi talaga nagtatagumpay sa parehong mundo,” pahayag ng aktor.
Nanalo si Joem ng Best Supporting Actor sa pelikulang Write About Love ng TBA Studios. Female counterpart niya ang co-star na si Yeng Constantino who also won the Best Supporting Actress award.
“Yeng is a good actress. Raw pa si Yeng, as in sobrang dami pa niyang emosyon na ibibigay and I’m happy na nanalo siya. Happy ako na siya yung naging partner ko for Write About Love.
“Hindi siya naging conscious, naging open lang siya at nakinig siya with everything. Binigay niya yung puso niya at yung karakter nung mga panahong ‘yon.
“Minsan kinakabahan kami kapag yung mga confrontation scene or iyakan scene kasi siyempre magkaiba kami ng proseso. Pero pag nando’n na sa eksena nagdya-jive naman kami,” huling pahayag ni Joem.