MOTHERS ARE GOD’S most precious gifts to children. I believe that one of the most meaningful ways to honor God is to honor one’s mother.
Masuwerte si Manny Pacquiao sa pagkakaroon niya ng isang Mommy Dionesia. ‘Ika nga, Pacman is lucky to have a Pacmom. Isang malaking inspirasyon sa buhay ni Manny si Mommy Dionesia.
Hindi lingid sa ating lahat ang suportang ibinibigay ni Mommy Dionesia tuwing may laban si Manny. Mommy Dionesia is Manny’s line to heaven during his fights. Lagi siyang matatagpuan sa loob ng simbahan na taimtim na nagdarasal sa Diyos while her son trades lethal punches with his opponents inside the ring. Sabi nga nila, behind every successful man is a woman or better yet a mother.
Mommy Dionesia endears herself to everyone. Masaya siyang kausap sa mga interviews. She loves life and she knows how to have fun. She loves ballroom dancing and listening to the songs of Imelda Papin gaya ng Isa Lamang Talaga and Bakit.
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Manny, hindi lumalaki ang kanyang ulo. Dahil na rin ito sa magandang pagpapalaki ni Mommy Dionesia sa kanilang magkakapatid. Nakaaaliw panoorin ang mag-ina sa kanilang mga commercials. Pacman might be a ferocious pugilist inside the ring pero nandoroon ang takot niya sa kanyang butihing ina.
Ngayon ay artista na si Mommy Dionisea. Her debut movie Ang Tanging Pamilya: A Marry-Go-Round requires her to trade comic punches with former President Joseph Estrada, Ai-Ai delas Alas, Toni Gonzaga and Sam Milby. She is a big revelation in this movie because of her natural talent in comedy. Walang ka-effort-effort ang kanyang pagpapatawa bilang nanay ni Sam na hindi makasundo ang kanyang magiging balae na si Aileen. And this is where the riot begins.
Kailan naman kaya magsasama sa isang pelikula sina Manny at Mommy Dionesia?
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda