MISMONG SI SUZETTE Ranillo ang nakausap namin sa awards night ng Cinemalaya last Saturday, kung saan kasama siya sa cast ng isang full length film entry na Amok, written and directed by Lawrence Fajardo, at kasama rin sa ensemble cast sina Mark Gil, Gary Lim, Noni Buencamino, etc.
Si Suzette nga kasi ang pangalang binanggit ni Laguna Governor ER Ejercito noon pa lang unang beses nitong inanunsiyo sa harap ng movie press na tumutulong sa pakikipag-usap sa Superstar na si Nora Aunor tungkol sa offer nilang gumawa ng pelikula ang multi-awarded actress sa El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story.
Ang bilis ng na-ging takbo ng mga pangyayari. Ilang araw lang ang lumipas after ng “announcement” na ‘yun ni Gov. ER, sumabog na ang chikang uuwi nga raw ng July 21 si La Aunor, kahit na ang nasabi ng gobernador ay malamang na August pa ang uwi ng Pilipinas ni Nora.
Kumalat ang chikang July 21 ang flight ni Nora hindi lang sa internet o fan sites ng Superstar, kundi pati na sa tabloids, at maging sa TV Patrol, na may report pa mula sa Los Angeles airport confirming sa manifesto na naka-book ang aktres pa-Manila, pero kinansela ito ni Nora.
Sa chikahan namin kay Suzette, siya na mismo ang naglinaw ng lahat.
Inamin nito na tinutulungan niya si Ate Guy sa pagbabalik-‘Pinas nito, para raw organized ang pagdating nito sa bansa.
“Kung hindi man siya natuloy last week, darating siya for sure,” pagsisiguro ni Suzette, na nagsabing inaayos pa raw ang mga kontratang dapat ayusin at harapin ni Nora pagdating dito, tungkol sa offers for her.
Nilinaw ni Suzette na silang dalawa ni German Moreno ang tumutulong sa Superstar sa pag-aasikaso ng lahat sa pagba-balik-showbiz nito, after 8 years sa Amerika.
Ano ang tunay na dahilan kung bakit hindi natuloy si Nora sa kanyang July 21 flight?
“Things are being fixed and finalized,” sagot niya, saying na kapag okey na raw ang lahat ay ‘saka uuwi ng bansa ang aktres.
Bakit na-book ang nasabing flight kung hindi pa pala ayos ang lahat?
“Hindi ko alam,” sagot nito. “Anybody can book naman eh, ‘di ba? You can always have a multiple booking today or tomorrow…”
Sa pakikipag-usap daw ni Suzette kay Nora, sinabi nitong masaya ang multi-awarded actress sa offer to play the role of Maria Agoncillo na second wife ni Aguinaldo, dahil historical ang gagawing pelikula.
“She’s happy and excited siya,” say nito.
Sa tanong namin kung totoo ang offer ng TV5 kay La Aunor para naman sa TV projects, safe and general ang sagot ni Suzette.
“Marami siyang offers ngayon, eh. Mapa-finalize ‘yan pagdating n’ya.”
AFTER 31 YEARS sa showbiz, finally ay nakamit na ni Ms. Racquel Villavicencio ang kanyang kauna-unahang best actress award.
Ito ay para sa Bisperas, Directors Showcase entry ng Cinemalaya, under Direk Jeffrey Jeturian.
Ayon sa isang internet blog of movie trivias – at kung tama ito – taong 1980 pa ang first movie na nilabasan ni Racquel, as supporting cast, at ito ay ang Anak na bida sina Christopher de Leon, Lloyd Samartino, at Dina Bonnevie, sa direksiyon ni Mel Chionglo.
Na-nominate na rin siya minsan as best supporting actress sa Prosti noong 2002 sa Gawad Urian, at ilang awards na rin ang napanalunan niya as best story at best screenplay para sa mga sinulat niyang movie scripts, pero ang Cinemalaya nga ang unang nagbigay sa kanya ng first best actress trophy niya – after 31 years.
So, it means na habang buhay ang isang artista, may pag-asang makamit ang pinakamimithing acting award. Look at Ms Kelly (nickname niya), award-winning na siyang scriptwriter and yet, nasa puso rin niya ang pag-arte, at dahil magaling naman siyang aktres, eh finally, she got her first acting award.
Congratulations to all the winners of Cinemalaya 2011 at sana nga’y karamihan sa mga ito ay maipalabas sa mga sinehan commercially, at hindi lamang ang Ang Babae Sa Septic Tank ni Eugene Domingo, to be shown in cinemas sa August 3, 2011, released by Star Cinema.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro