LAST SATURDAY early morning (around afternoon in Jerusalem), nakatanggap kami ng text message from Sylvia Sanchez.
Naaksidente ang sinasakyan nila sa highway ng Haifa on their way back to Jerusalem from Mt. Tabor.
Niyanig sila ng isang kotse na nag-360 spin sa pagsalpok nito sa harapan nila dahil sa dulas ng kalye dahil sa kalakasan ng ulan. Mabuti na lang, ni isa sa kanila ay walang natamong galos man lang.
Kasama ng aktres, who won at the recent 26th Star Awards for TV as Best Female Actress in a Single Performance for MMK’s Aswang episode, ang mister niyang si Art Atayde, ang mother ni Sylvia at business manager nitong si Cornelia Lee.
Sa darating na Friday na ang balik ng aktres from her Holyland Pilgrimage. She left for the trip the night kung saan nanalo siya, pero hindi siya ang tumanggap ng kanyang award dahil she has to leave early para hindi mahuli sa kanyang flight.
KAPAG KA-TABLE mo si Tito Alfie (Lorenzo) dami mong kuwento masasagap sa kanya. From tsikang Juday Ann Santos (naman!) at kung anu-ano pa.
Sa kanya namin nalaman Saturday evening habang ka-table din namin si Nora Aunor sa labas ng Zirkho-Morato (kung saan special guest si Guy sa PMPC Fund Raising show ng grupo ng mga entertainment writers, na si Juday at mister na si Ryan Agoncillo, magkakaroon ng baby come August 2013.
Kantiyawan daw kasi ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga na nag-show recently sa London kung kalian masusundan si Lucho. The fact na naroroon din lang naman si Juday at special guest sa Eat Bulaga show, might as well “why not?” pabiro raw binitawang linya ni mister na sabay tawanan.
Gusto ng mag-asawa, baby na tatak-London, ‘ika nga. Anak na gagawin du’n. Kaya nga after dinner, nag-rush na kaagad ang mag-asawa. Iniwanan ang mga kasamahan at sabi, they need to be by themselves at umuwi na ng kanilang hotel to fulfill a dream na magkaroon na si Lucho ng kapatid.
Hopefully, three months from now around late January to early February next year, may magandang balitang ihahatid ang mag-asawa sa kanilang followers.
SA TSIKAHANG ‘yun ka-table namin si Nora Aunor. In white shirt and jeans. Naikuwento ni Guy na nawawala ang celphone niya. Hindi alam kung paano nawala o baka may nagnakaw noong nasa isang restaurant sila sa Davao kamakailan for a special screening of her movie Thy Womb na isa sa mga inaabangang entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa Pasko.
Kaya nga super hectic ang schedule ni Nora this December dahil sa mga sunud-sunod na activities niya.
Mauuna ang screening in High Defenition ( HD) ng kanyang classic na Himala na dinirek ni Ishmael Bernal noon. Sa tulong ng technology, nagawan ng paraan ng ABS-CBN na ayusin ang kopya ng Himala na kapag pinanood mo sa sinehan ay parang bago at hindi mo iisipin na luma.
Come December 5 ay ipalalabas ang Himala with a special red carpet premiere sa SM Megamall kung saan nangako si Nora na dadalo siya.
That night nakilala ni Tito Alfie (now a Noranian – Tower Productions days pa daw nila) ang isang T-shirt company owner at nangako sa kanya na bibigyan niya si Guy ng promo T-shirt with Nora’s name in front “Nora Aunor – Walang Himala” ang text para giveaways sa fans na dadalo sa special night.
LAUGH TRIP kami sa Sayaw ng mga Senorita na isang gay play na sinulat ng pamosong Direk Joey Reyes.
Aliw kami sa karakter nina Manny Castañeda, Arnel Ignacio, Joel Lamangan at Soxie Topacio bilang mga magkakaibigang bekis na nagbabalik-tanaw sa kanilang buhay-bading noong kabataan pa sila.
Halos every minute, may punchline. Bawat linya na binibitawan ng lead characters, may sipa.
Super aliw kami kay Arnel who played the role of a talent scout na mahilig sa bagets or shall I say menor de edad. Sina Joel, Soxie at Manny (pawang mga bihasa sila sa entablado) bago pa man sila pumalaot sa iba’t ibang sangay ng entertainment industry ay magagaling sa kanilang roles. ‘Yun nga lang, sa walang humpay na mga mura at bastos na lenguwahe – ang naturang stage play ay for adults audiences only.
Catch them perform this weekend (Friday and Saturday) at sa December 1 and 8 sa AFP Theater.
Reyted K
By RK VillaCorta