GALIT DAW ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa new breed of stars na walang respeto sa senior stars. Ilang young stars na nga raw ang naobserbahan nito na walang respeto sa senior stars at ayaw na lang nitong pangalanan kung sinu-sino ito.
Kahit nga raw ang ibang senior star na nakakasama niya ay nakapagkukuwento din ng hindi pagbati man lamang ng new generations stars na ang sinasabi raw ng iba ay nahihiya sila. Ano naman daw ang dapat nilang ikahiya samantalang artista sila.
Puwede naman daw magbigay-galang at respeto sa pagbati man lang ng ‘hi’ at paglapit sa senior stars. “Buwisit sa akin ‘yung ‘nahihiya ako’ at hindi ka lalapit sa mga kasama mo at dadaan-daanan mo ‘yung senior stars.
“Merong isang senior star na nagtanong din sa akin na, ‘Yan bang bagets na ‘yan, ganu’n ba talaga ‘yan? ‘Yung hindi marunong magbigay-galang? Kasi kanina pa ako rito, hindi ako binabati?’ Sabi ko, ‘ah, oo, ganu’n talaga ‘yun. Bastos ba ‘yun o nahihiya lang?’ May ganu’n. ‘Di ba, mas ano ‘yung kahit nahihiya ka, e, aano ng, ‘hi,’ ka tapos pakilala ka then umalis ka na?’ Di mo kailangang tsumika. Bigay galang ka lang,” pagtatapos ni Ms Sylvia.
KAMAKAILAN AY dumating sa Pilipinas ang Japanese actor/producer na si Jacky Woo. After so many months, bumalik ulit siya para mag-guest muli sa Bubble Gang at sumayaw rin siya noong Linggo with the Instagang group nina Mark Herras sa Sunday All Stars sa GMA-7. Pinuri siya nang husto ng mga hurado lalo na si Janno Gibbs na ngayon lang daw siya nakakita ng Japanese caveman.
Bukod sa pagbabalik niya sa Bubble Gang, abala si Jacky sa preparasyon ng pelikulang kanyang ididirek for a Japanese film company na rito sa Pilipinas kukunan na sana ay sa Thailand dahil na rin sa request niya para mabigyan ng trabaho ang ilan nating kababayan. Ang isa pang pinagkakabisihan ni Jacky ay ang pagba-boxing. Sa pagbabalik niya sa Japan ay may schedule siya ng boxing sa lightweight category. Sa Sept. 20 ito at tingnan natin kung magtatagumpay siya.
Isa sa mga negosyo ni Jacky sa Japan ay pino-promote niya ang hilot style natin na pagmamasahe. Maraming Hapon daw ang gusto ng ganitong style ng massage. Nag-aral noon si Jacky ng hilot style massage dito sa Pilipinas under the supervision of TESDA at dinala nga niya ito sa Japan. Ang daming natututunan ni Jacky rito sa Pilipinas, huh!
Ang Death March naman na nag-debut sa Cannes Film Festival ay may imbitasyon sa Gijon International Film Festival sa Spain sa November 15-23 at sa IFF of India sa Nov. 20-30 at sa IFF of Kerala sa Dec. 6-13 na parehong sa India. Tuloy pa rin siya sa Busan International Film Festival sa Korea Oct. 3-13.
HAPPY RAW si Julie Anne San Jose at si Kristoffer Martin ang kanyang makakasama sa primetime soap na Kahit Nasaan Ka Man.
Kuwento nga ni Julie Anne, sana raw ang mag-work ang tandem nila ni Kristoffer at suportahan ng mga manonood at ng kanilang mga tagahanga, dahil mabait naman daw si Kristoffer at alam naman daw nitong mahusay umarte ang binata.
Tsika pa ni Julie Anne nang matanong kung bakit nawala si Elmo Magalona sa soap samantalang balitang-balita na ito ang makakakasama niya, hindi raw niya alam kung ano ang nangyari. Wala rin naman daw siyang guts na magtanong sa network dahil talent lang siya at sumusunod lamang sa gusto ng GMA-7.
Aprubado naman daw sa kanya kung sino ang ibigay sa kanyang kapareha, dahil trabaho naman daw ito at ‘di naman daw kasi maganda ang mamili ng makakatrabaho. Kaya kung sino ang ibigay sa kanya ay kanyang tinatanggap.
John’s Point
by John Fontanilla