Birthday ng kaibigang Sylvia Sanchez ngayong araw, May 19. Edad 45 na ang aktres na ang tawag namin mula pa nu’n ay Ibyang or kung mas gusto namin ng mas shorter, I call her “Byang”.
Matagal na naming kaibigan ang aktres, noon pa man. Noong panahon na nameless pa lang ang aktres.
Sa katunayan, kami yata ang kauna-unahang publicist niya sa panahon na struggling star pa lang siya sa Regal Films noon.
Dahil hindi naman kalakihan ang kita niya bilang artista, nang humina ang mga projects niya ay binitawan niya ang serbisyo namin as her personal publicist.
“Roel, huwag ka na muna mag-PR sa akin. Wala na akong pambayad sa ‘yo. Maliit na ang kita ko at walang projects,” sabi niya noon.
Pero dahil naging kaibigan namin, kahit waley give si Ibyang, write pa rin kami ng write tungkol sa kanya to maintain her presence and publicity hanggang sa mawala kami at may pinuntahan sa malayo na iniwanan na lang namin siya. The rest is history sa kuwento ng pagiging magkaibigan naming dalawa.
Si Ibyang mismo ang nagkukuwento sa iba kung ano ang “friendship” naming dalawa.
Sa totoo lang, ako lang yata sa mga entertainment reporters ang nakadidiretso sa kanya na humingi ng pera. Lambing ang tawag ko sa ganu’n.
Ako rin yata sa mga kaibigan niyang reporter na nakapaglalambing sa mister niyang si Papa Art (Atayde) na direstsahan ay nahaharbatan ko nang harap-harapan. Close at friends, kasi meron man o wala.
Sabi nga niya sa iba, “Sina Roel at Fernan (De Guzman aka Ms. F) lang ang nakagagawa nu’n kay Art Atayde. Matagal na kaming magkakaibigan,” lagi niyang kuwento sa mga bagong kakilala at sa mga nang-iintriga sa amin sa kanya.
Ngayon na edad 45 na siya, sa asalto-salubong para sa kaarawan niya last night (Wednesday evening), ang supposed to be na sorpresa sa kanya ay nabuking niya maaga pa lang noong araw na ‘yun.
Imbes na sorpresahin namin siya na mga personal friends niya, ang ginawa niya, nagluto siya ng mga pagkain na kakainin ng sosorpresa sa kanya.
In short, ang sorpresa-salubong sa kaarawan niya ay hindi epektib sa aktres. “Kilala ko na kayo. Every year ginagawa n’yo na ito kaya hindi na sorpresa,” natatawang sabi niya sa amin nina Papa Ahwel, Jobert Sucaldito, Ms. F, at Rohn Romulo.
Basta at 45 years old, ang wish niya ay para sa mga anak niya. “Wala na akong mahihiling pa. Nand’yan si Art na very supportive sa akin. Ang mga anak ko lang. Sana maging successful sina Arjo at Ria na ngayon ay nasa showbiz na, maabot sana nila ang mga pangarap nila sa pag-aartista.
“Happy ako sa nangyayari sa career ng panganay ko (Arjo). Ang ganda ng response ng tao sa kanya sa ‘Ang Probinsiyano’. Actually si Arjo ang kontrabida na mahal ng publiko,” pagmamalaki niya sa anak.
Si Ria naman, naging maganda ang simula sa showbiz nang maging regular cast ito sa morning serye na “Ningning” na nakatulong ang exposure niya as Titser Hope kung saan naging positibo ang response ng publiko sa dalaga.
“Si Gela at Xavi, very supportive sa akin. Hindi nagtatampo ang mga ‘yan kahit kung minsan pumapalya ang bonding day namin dahil may trabaho. Si Art, mahal na mahal ko ‘yan. Alam ko deep inside him, mahal na mahal din niya ako. Mahal din niya ang mga kaibigan ko,” pagkukuwento pa ng birthday celebrator.
At 45, happy kami kay Ibyang sa mga achievement s niya sa buhay.
“Happy ako dahil hindi ako nawawalan ng projects sa ABS-CBN. Very supportive sila sa akin like itong role ko ngayon sa Super D. Masaya ako sa career ko at sa mga magagandang bagay na dumarating sa buhay ko. God is good talaga,” sabi niya sa amin.
Sa katunayan, ang totoong kuwento ng buhay ng aktres ay pang-MMK na kung malalaman lang ng publiko ang hirap at pagsubok na pinagdaanan niya para maabot ang estado niya sa kasalukuyan, malamang pang ”Best Story” sa Gawad Urian at PMPC Star Awards ang totoong kuwento ng buhay niya.
At 45, si Ibyang papalaot pa sa malayo. Marami pa rin siyang mapasasayang mga tagahanga at mga kaibigan niya.
Maligayang kaarawan, Byang. Alam mo na ‘yun!
Reyted K
By RK VillaCorta