Sylvia Sanchez, ‘di nakikialam sa career ng anak na si Arjo Atayde

Sylvia-Sanchez-Arjo-Atayde“HINDI AKO stage mother!” Ito ang naging pahayag ng mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez na nagiging stage mother siya sa kanyang equally good actor na anak na si Arjo Atayde na nagbibida ngayon sa Pure Love kasama si Alex Gonzaga.

Kuwento nga ni Ms. Sylvia, inaalam lang daw niya ang schedule ng kanyang anak sa handler nito sa Star Magic para ma-remind ito sa kanyang schedules, not to the point na nakikialam ito.

Happy nga raw silang buong pamilya, specially ang lola nito at ang kanyang very supportive dad na si Daddy Art, sa magandang itinatakbo ng career ni Arjo at sa mga papuring tinatanggap nito dahil na rin sa husay nitong umarte na marahil ay namana niya sa kanyang inang si Ms. Sylvia na isang award-winning actress.
Pahabol ngani Ms. Sylvia, hindi raw nila pinakikialaman ang mga kinikita ni Arjo sa kanyang pag-aartista. Intact daw ang pera nito sa kanyang bank account at never nilang pinakialaman.

Film-Am na sikat sa CaBoogielifornia, nasa bansa para sa kanyang Philippine Tour

 

NASA BANSA ngayon ang Filipino-American na sikat sa California USA na si Boogie B para sa kanyang Philippine Tour na hatid ng Ferrara MultiMedia Inc. in cooperation with Tycoon Events and Dream Out Loud Events.

Nakatakdang lumibot si Boogie B sa ilang lugar sa Pilipinas na nagsimula last June 27 sa Club V Olongapo; June 28 sa Taal Vista, Tagaytay; at July 1 sa San Antonio, Zambales. Habang nakatakda naman itong mag-perform ngayong araw, July 2 sa High Society, Angeles City; July 3 sa Guilly’s, Quezon City; July 4 sa Alchology, Cebu; July 5 sa Zoo, Pampanga; July 6 sa Koozy Bar, Pampanga; July 11 sa Malolos, Bulacan; July 12 sa San Pedro, Laguna; at sa July 18 sa Palace, Olongapo.

Lilibot din si Boogie B sa iba’t ibang radio stations at ilang TV programs para i-promote ang kanyang musika. Makakasama nito sina Jay Go (Filipino born and raised in California and won the prestigious award Voice of California), DJ Daverukus (Mexican) and Friskolay (African-American, R & B Hiphop dinger).

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleTom Rodriguez, posibleng ma-develop kay Carla Abellana
Next articleJulie Anne San Jose, ‘di kawalan sa career ang loveteam nila ni Elmo Magalona

No posts to display