SA DAMI ng mga babaeng may crush, mapa-dalaga, bata , may asawa o wala kay Richard Yap o mas kilala bilang Sir Chief ng Be Careful With My Heart, very vocal sa pagsasabing hindi ito type ng mahusay na actress na si Ms. Sylvia Sanchez.
“Hindi, eh! Wala, magkaibigan lang kami. Tapos sa set, ‘pag breaktime, nagkukuwentuhan kami in Bisaya, dahil pareho kaming Bisaya. Pero kinikilig ako sa kanya as sir Chief at hindi bilang si Richard. Meron kasi siyang something na hindi ma-explain, ‘yun ‘yung tinawatawag na x-factor!”
Tsika pa nga ni Ms. Sylvia, phenomenal daw ang kasikatan ni Richard na kahit saan daw sila pumunta, talaga namang mina-mob ito, at sikat na sikat talaga. Pero kahit ganu’n na raw ang estado ng actor, lagi nitong sinasabi na hindi niya nararamdaman ang sobra-sobrang kasikatan at feeling daw lagi nito na para pa ring nagsisimula pa lang siya.
“Napakabait na tao ni Richard, very humble. Kahit nga binibiro namin minsan na sikat na sikat na siya, sasabihin lang niya na hindi naman daw niya nararamdaman at palagi niyang sinasabi na parang nagsisimula pa rin siya.”
SOBRANG SAYA ang award-winning actor na si Dingdong Dantes dahil after 3 years ay mapapanood na ang kanyang pelikulang ginawa with Hollywood actor Patrick Bergin, ang Dance of the Steel Bars, na idinirehe nina Marnie Manicad at Cesar Apolinario at hatid ng Portfolio Productions and GMA Films na ipalalabas sa June 12 sa SM Cinemas.
Dagdag-saya pa ang naramdaman ni Dingdong nang mabigyan ang kanyang pelikula ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, kaya naman daw doble-saya ang nararamdaman nito ngayon. Ibang-ibang Dingdong Dantes daw ang mapapanood dito, dahil dito ipapakitani Dingdong ang kumbinasyon ng galing niya sa pagsasayaw at pag-arte.
Kahit nga ang director nito na si Direk Cesar ay puring-puri si Dingdong, dahil napakasarap daw nitong katrabaho, very professional, walang reklamo at sinusunod ang ipinagagawa nila para sa ikagaganda ng pelikula.
Maraming highlights daw na aabangan dito ang mga manonood na tiyak na mapapahanga sa galing ni Dingdong bilang artista. Bukod kay Dingdong, kasama rin sa said movie sina Joey Paras at Direk Ricky Davao.
BACK TO work na muli ang tinaguriang Mr. Excitement na si Xavier Cruz mula sa kanyang one month US vacation. Ayon nga rito, sobrang saya raw ng kanyang US trip dahil kasama niya ang kanyang buong pamilya.
Tsika nga nito, “Parang east to west po, naikot namin! Haha! From New York, South Carolina, Florida, Las Vegas, then Los Angeles po! Masaya! Disneyworld, Manhattan, Time Square, Hollywood, Grand Canyon… napuntahan po naming pamilya. And nakita po namin iba naming relatives abroad.”
“Bale this is my third time na pumunta ng US. Pero last time po kasi, 11 years ago pa. Batang-bata pa kami so hindi pa namin masyado ma-appreciate ang mga napupuntahan naming lugar! Hahaha! Ngayon po, mas masaya na!” Excited nitong pagkukuwento.
At kahit nga isang buwan na namalagi ito sa Amerika, bitin na bitin daw ang kanyang pagbabakasyon. Gusto pa raw nitong mag-stay nang matagal, pero hindi na puwede dahil na rin sa malapit na ang promotion ng kanyang first album.
“Mas nabitin po ako ngayon. Kasi dati halos ganito rin almost one month kami. Pero dati parang mas matagal kasi ‘di po namin alam ang mga pupuntahan. Basta sumasama lang kami. Ngayon po alam namin na lahat ng lugar, so mas nae-enjoy po namin. Kaya parang ang bilis-bilis, kasi nag-e-enjoy kaming pamilya. Hahaha!
“Tsaka aayusin din namin ‘yung tungkol sa first album ko. Malapit na kasi itong ilabas kaya kailangan na talaga akong bumalik. Kaya naman back to work ako ulit,” pagtatapos ng mabait na singer.
John’s Point
by John Fontanilla