PALABAS PA RIN sa mga sinehan ang pelikulang “Mama’s Girl”, isang heartwarming family drama tungkol sa isang single mother at ang relasyon niya sa anak na isang millennial. May mangyayaring hindi kanais-nais na magiging hudyat para mapilitan ang anak na maging responsible at independent with the guidance of the mother.
Si Sylvia Sanchez ang mother dito at si Sofia Andres naman ang kanyang anak. Believable ang dalawa bilang mag-ina sa pelikula, which is a fun treat dahil sa pagkakaalam ko ay wala pang proyektong pinagsasamahan ang dalawa before this one. Refreshing din panoorin si Sylvia Sanchez in a much more lighter, liberated and full of positivity na character. Sa TV kasi ay palaging heavy ang kanyang mga roles.
Si Sofia Andres talaga ang isa sa mga artista natin ngayon na magandang bigyan ng pelikula. Maganda ang rehistro niya sa screen at bagay na bagay sa kanya ang “millennial” roles – whether that is a boyish character or someone na spoiled brat. Kahit may mga pelikula na itong pinagbidahan, I think Mama’s Girl is her biggest movie to date.
To give kilig sa kuwento ay may two leading men ito: Si Diego Loyzaga na childhood friend niya na may hidden desire sa kanya at si Jameson Blake na isang pabling na rockstar.
Kilig-kiligan ang mgaa “SofiaGo” fans dahil may kissing scene ang dalawa. Ok na follow-up ito for the two dahil katatapos lang ng teleserye nilang “Pusong Ligaw”. Kitang-kita rin ang laki ng inimprove ng acting ni Diego compared to his awkward Mara Clara days.
Maganda ang kuwento ng pelikula. Swak ito sa mga mamshie na gustong intindihin ang kanilang mga millennial babies and for the children to appreciate the efforts of their parents. Aliw din ako sa production design at location ng mga eksena (mostly shot in Antipolo of I’m not mistaken). May problema lang ako sa magulong camera work sa ilang eksena, but overall it is a good movie to watch.
Mama’s Girl is a delightful movie to watch with your family. Mas fit yata kung sa mother’s day ito ipalabas, pero okay na rin ang ganitong concept sa pambungad ng 2018 ng Regal Films.
Please watch Mama’s Girl in cinemas nationwide para ma-enganyo si Mother Lily na mag-produce pa ng mga pelikulang hindi required ang malaking budget pero rich sa content. Go!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club